Chapter Ten

371 46 0
                                    

Pssssst! Psssst!

Nagising ako sa walang tigil na pagsitsit ng kung sino mang walang magawa sa buhay.

"Panira naman ng tulog itong isang 'to e. Alam na Sabado at bumabawi ng tulog yung tao." naiinis kong bulong.

Psssst! Psssst!

Tumanaw ako sa bintana kung saan nanggagaling ang pagsitsit.

Laking gulat ko nang makita ko si Mr. Cap na nakatayo sa labas.

Ano naman kayang kailangan neto.

"Mr. Cap?"

"Ako nga!" sigaw nito.

"Anong ginagawa mo rito?"

"May ibibigay lang ako sayo."

"Pwede mo namang ibigay na lang sa Lunes sa school diba."

"Pano yan e nandito na ako."

"Sige na nga hintayin mo ko diyan at bababa ako."

"Bilisan mo."

"Oo eto na nga diba."

Bilis bilis akong bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay na tinutuluyan ko.

"Ano ba yung ibibigay mo at hindi makapaghintay ng Lunes."
bungad ko sa kanya.

Hindi siya umiimik at nakatingin lang siya sakin.

Natuon ang tingin nito sa suot ko.

Ngayon ko lang na-realize na naka-sando at short lang pala ako.

"Anong tinitingnan mo?" sabi ko sa kanya.

"Ah w-wala." mabilis nitong sagot.

"Wala raw pero nakatingin naman sa damit ko. May mali ba sa suot ko? Pinababa mo kasi ako agad kaya di ako nakapagpalit."

"H-hindi ah ayos nga e bakat na na bakat."

"Anong sabi mo?" singhal ko.

"W-wala sabi ko batak na batak yang braso mo."

Inirapan ko lang siya.

"Ano ba yung ibibigay mo?"

"Sa loob na lang."

"Bakit pa?"

"Makiki-almusal sana ako di pa ako kumakain e." nahihiyang sagot nito.

Nahiya pa siya sa lagay na yan ha.

"Tingnan mo 'to nambulabog ng gising para maki-almusal." napakamot na lang ako sa ulo.

"Hahaha yey!" sabi nito at sumunod sakin.

Tsk. Isip bata.

Mukhang magiging babysitter ako ngayong araw ah.

~*~

"Uhm ano ito nakakain ba 'to?" tanong ni Mr. Cap sabay turo sa daing na nakahain sa mesa.

"Daing yan malamang nakakain yan. Yung totoo di ka pa nakakakain niyan?"

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon