Chapter Forty One

272 13 15
                                    

Carson

Patilaok palang ang mga manok ay nagising na ako dahil sa walang tigil na pag-beep ng chat heads sa cellphone ko.

Pupungas pungas ko itong binuksan.

Sino naman kaya itong tukmol na nambubulabog.

Pagkabukas ng chat head ay lumaki ang mata ko nang makita ang close-up na mukha ni Mr. Cap na halos kita na ang loob ng butas ng ilong nito.

Good morning siopao :)

At kelan pa ako naging siopao?

Halos mahulog ko ang phone ko nang bigla itong nag-ring.

Mr. Sungit calling...

Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?" irita kong sagot.

"Galit ka?" sabi nito sa kabilang linya.

"Sinong hindi magagalit ang aga mong mambulabog." magaspang kong sabi.

"S-sorry sige tulog ka na ulit bye." sabi nito then he ended the call.

Anong problema nun?

Napahikab nalang ako at nahiga ulit sa kama.

Ilang minuto lang din ay nagising ako sa lakas ng radyo ng kapit-bahay.

Irita akong napabangon sa higaan at naghanda para pumasok sa eskwelahan.

~*~

"Hindi mo ata kasama si pinsan ngayon?" bungad sakin ni Will pagkarating ko sa school.

"Ah oo busy kasi siya." pagpapalusot ko.

"You mean busy with someone else?" dagdag nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"See for yourself." sagot nito habang tinuturo ang bleachers sa may grounds kung saan naroon si Mr. Cap kasama ang isang babae.

Mahigpit na nakalingkis ang kamay ng babae sa braso ni Mr. Cap at mukhang wala siyang pagtutol rito.

I felt a lump in my throat.

Bigla akong nakaramdam ng matinding selos.

Pero sino nga ba naman ako para mag-selos?

Kaibigan niya lang naman ako.

Pinagkibit-balikat ko nalang ito at naglakad palayo.

"Hey Carson wait!" habol sakin ni Will.

"Ano?" irita kong tanong.

"It's just that maybe you can have me today."

Napataas ako ng kilay sa sinabi nito.

"What I'm trying to say is pwede kitang samahan ngayon." nakangiti nitong sabi.

"Salamat pero hindi na kailangan." matabang kong sagot sa kanya.

"I'm not asking you to, sasamahan parin kita." determinado nitong sambit.

Napailing nalang ako sa kulit ng isang 'to at nauna nang naglakad.

Tahimik naman ako nitong sinundan.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon