Chapter Fourteen

325 42 0
                                    

Carson

May 30 minutes na lang akong natitira para pumunta sa birthday party ni Mr. Cap.

Pumasok pa kasi ako kanina sa isang part-time job ko.

Mabilis akong naligo at nagbihis.

Simpleng maong na pants at polo shirt lang ang suot ko ngayon.

Muntik ko pang makalimutan yung regalo ko kay Mr. Cap sa sobrang pagmamadali.

Naglakad na lang ako papunta tutal malapit lang naman yung bahay nila Mr. Cap mula rito samin.

Di ko mapigilan ang kabahan habang papalapit ako nang papalapit sa street kung nasaan ang bahay nila Mr. Cap.

Di kasi ako party-goer tulad ng karamihan.

At tsaka nanliliit ako sa sarili ko.

Pano ba naman kasi mga mayayaman ang imbitado.

Wag na lang kaya ako pumunta?

Pero malalagot naman ako kay Mr. Cap niyan.

Haist! Bahala na nga lang.

Napanganga ako sa harap ng bahay nila Mr. Cap.

Partida harap palang napanganga na ako paano pa kaya sa loob.

Marami-rami pa rin ang nagsisidatingang bisita.

Kala ko naman ako lang ang late.

Filipino time nga naman oh.

Karamihan sa mga bisita ay naka-kotse, van at—sports car?

Taena!

Bigatin naman pala 'tong mga bisita ni Mr. Cap e.

Mas nag-alangan tuloy akong pumasok.

Argh! wag na nga lang.

Hahakbang palang ako patalikod nang biglang may humila sakin.

Paglingon ko ay lumitaw sa harapan ko ang isang anghel.

I mean anghel na may sungay.

"San ka pupunta?" seryosong tanong sakin ni Mr. Cap habang nasa harapan ko.

Nakasuot siya ngayon ng itim na tuxedo, sa loob nito ay pulang long sleeve na polo. Plantsadong plantsado rin ang suot nitong itim na slacks. Pero mas kapansin pansin ang brush up na style ng buhok niya ngayon.

In short nagmukha siyang tao.

"Ah e uuwi na hehehe." kinakabahang sabi ko.

"Ah ganun so wala kang balak na umattend sa birthday ko." ramdam ko ang pagtatampo sa boses nito.

Nakonsensiya naman ako.

"H-hindi sa ganun—"

"Sabi mo pauwi ka na? So napilitan ka lang pumunta rito ganun. Well salamat na rin sa effort." mapait nitong sabi.

Mas lalo tuloy akong nakonsensiya.

"H-hindi ganun yon Mr. Cap mali ka ng pagkakaintindi. Balak ko talagang umattend sa birthday party mo kaso..."

"Kaso nag-aalangan ka."

"O-oo. Nag-alangan lang naman ako kasi nahihiya ako sa mga mayayaman mong bisita. Baka kasi magmukha lang akong katawa-tawa pag pumasok ako. Sorry di ko sinasadya." nakayuko kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa kamay ko.

Napaangat ang tingin ko sa kanya.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon