Chapter Nine

387 47 5
                                    

"Good morning!" bati sakin ni Mr. Cap pagkarating ko sa classroom namin.

"Good Morning din." medyo naiilang kong tugon sa kanya.

Inayos ko na lang yung mga gamit ko para di ako mailang masyado.

At bakit ba ako naiilang?

Hindi ba dapat siya ang mailang?

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.

"T-thank you." sabi nito in between his sobs habang yakap yakap ako nito.

Napayakap nalang din ako sa kanya.

"Thank you." ulit nito.

"Bakit ka nagpapasalamat? hindi ba't ako dapat ang mag-thank you sayo kasi binili mo yung mga gusto kong libro." naguguluhan kong sabi sa kanya.

"Masaya lang akong magkaroon ng kaibigan gaya mo." sabi nito at mas hinigpitan pa ang yakap sakin.

Namula ako sa sinabi niya.

"Mr. Cap."

"Hmm?"

"Nasasakal na ako."

"Nasasakal ka? pano ka nasasakal e hindi naman tayo mag-jowa hahaha." sabi nito habang tumatawa.

"Tanga! nasasakal ako sa yakap mo." sigaw ko sabay pwersahan kong tinanggal ang mga braso nito sakin.

Pero sadyang malaki ang katawan niya at mahigpit ang pagkakayakap nito sakin kaya bigo akong matanggal ito.

"Hahahaha di ka na mabiro." sabi nito sabay kalas sa pagkakayakap sakin.

"Ang cute mo talaga pag naaasar." bulong nito kaya di ko narinig.

"Ano? ano ulit yung sinabi mo?"

"Wala sabi ko mukha kang pusang hinihika hahahaha." sabi nito sabay hagalpak ng tawa.

"Di ka na talaga maka-move on diyan sa pusang hinihika na yan ano?" inis kong sabi sa kanya.

"Di talaga. Nakakatawa kasi e hahahaha ang sakit na ng tiyan ko." sabi nito na tawang tawa habang hawak hawak ang tiyan.

"Diyan ka na nga ma-empacho ka sana ng hangin." sigaw ko bago ako naglakad palayo sa kanya.

"Hahahaha ma-empacho raw ng hangin lol hahaha."

Tsk. bwiset talaga.

....

Naiirita ako pag naaalala ko yon.

Pero di ko maipagkakailang nag-enjoy akong kasama siya kahapon.

"Musta?" sabi nito sabay lapit sakin habang di pa rin maalis ang malawak nitong ngiti.

"Okay lang naman."

"Ikaw?" pahabol ko.

"Heto masaya." sabi nito at lumawak pa lalo ang ngiti niya.

"Weh? siguro dinagdagan yung allowance mo noh kaya ka masaya?" biro ko sa kanya.

"Hindi noh kahit di naman na dagdagan yung allowance ko sobra sobra naman na talaga yon." pagmamayabang nito.

"O edi ikaw na rich kid. So ano nga bakit ka masaya ngayon?" sabi ko sa kanya.

"Kasi birthday ko na next week!" masiglang sabi nito.

Kulang nalang tumalon siya sa tuwa.

"So?" patay malisya kong sagot.

Kumunot tuloy mukha niya.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon