Hindi ko maitago ang saya ko pagkarating namin sa bookstore.
"Tara don." sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay niya papunta sa dulong shelf.
Pagkarating namin sa bandang dulo ay nagtaka ako kung bakit hindi siya umiimik.
Tiningnan ko siya at pulang pula ang mukha nito.
"Okay ka lang?" pag-aalala ko sa kanya.
Tumango lang siya sabay iwas ng tingin sakin.
"Ambagal mo namang mamili kanina pa tayo rito hanggang ngayon wala ka paring napipili." biglang sermon nito sakin habang nagbubuklat ako ng libro.
"Saglit na lang 'to at tsaka bakit ka ba nagmamadali? may ka-date ka ba ngayon?" pang-asar ko sa kanya.
"Oo at kanina pa siya naghihintay."
"Hindi ako naniniwalang meron kang date ngayon."
"At pano mo naman nasabi na wala akong ka-date?"
"Kasi kung meron man edi hindi ka na sana nag-abalang i-tutor ako kanina. At ikaw may ka-date? weh?"
"Meron nga akong ka-date ngayon." pagpupumilit nito
"Kahit may ka-date ka ngayon wala akong pakialam. May atraso ka pa sakin kaya maghintay ka muna diyan."
"Oo na! heto na nga maghihintay na po." batrip nitong sabi.
Napatingin naman ako sa kanya na nakaupo sa gilid ng shelf.
"Kala ko ba may ka-date ka ngayon?" tanong ko sa kanya na natatawa.
"Naniwala ka naman." sagot nito.
"So wala nga?"
"Ewan ko sayo." nakabusangot nitong sabi.
Natawa ako sa kanya.
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa dahilan para pumorma naman ang ngisi sa bibig ko.
"Pwede bang wag mo nang pigilan yang tawa mo di mo bagay ang ngumisi." yamot nitong sabi sakin.
Napatawa ako ng malakas pagkasabi niya non.
Napatingin ang lahat ng mga tao sa loob ng bookstore sa pwesto namin.
Agad naman akong napatakip sa bibig ko dahilan para lumikha ng bungisngis.
Natawa siya.
Napatigil ako.
Unang beses kong narinig na tumawa siya ng ganito kasaya.
Napaka-inosente at napaka-gwapo niyang tumawa.
Pero maliban dun NAKAKAINSULTO yung tawa niya sa totoo lang.
Tawa parin siya ng tawa na akala mo wala nang bukas.
"Sige tawa pa." sabi ko sa kanya.
Natigil naman siya pagkasabi ko non.
"S-sorry nakakatawa kasi yung bungisngis mo tunog baboy hahaha." sabi nito habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya dahil sa sobrang pagtawa.
"Ahh tunog baboy pala kesa naman sa tawa mong parang pusa na hinihika." pang-asar ko sa kanya.
"Pusang hinihika? hahaha meron ba non? Ngayon ko lang nalaman yon ah hahahaha."
Mas lumakas pa ang tawa niya.
Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao sa loob ng bookstore.
Baka mamaya nyan makaladkad na kami palabas nung Security guard dahil sa ingay nitong Mr. Cap na 'to.
BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...