Chapter Five

598 51 0
                                    

Uwian ng hapon.

Nauna na akong lumabas at naglakad mag-isa.

Psst! Psst!

Nagulat ako nang bigla kong marinig na may sumisitsit sakin.

Napalingon ako sa likod.

Tama nga ang hinala ko.

Si Mr. Cap lang pala.

"Bakit?" tanong ko.

"Uhm pwedeng pasabay?"
nahihiyang sabi nito.

"Okay lang kung gusto mong mapagod why not?" sagot sa kanya.

Natawa lang siya.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang bigla siyang magsalita.

"Ah pwede mo ba akong samahan sa bookstore?—okay lang kung hindi." sabi nito.

"Sige ba ayos na ayos sakin yan." nakangiti kong sagot sa kanya.

Panong di ako hihindi e bookstore ang pinag-uusapan.

Di talaga ako maka-hindi basta libro na ang nakataya e.

"T-talaga?!" mangha nitong sabi.

"Oo nga diba."

Mabilis naman kaming nakarating sa bookstore at sabik na sabik naman siyang pumasok sa loob.

Para talagang bata.

Napangiti na lang ako.

Sinundan ko siya sa unang shelf.

"Adik." bulong ko sa kanya habang kasalukuyan itong nagbubuklat ng mga libro.

Nabaling naman agad ang tingin niya sakin pagkasabi ko non.

"Mas adik ka!" sabi nito.

"Bakit aber?"

"Sino bang matinong tao ang nanininghot ng libro kala mo e nakahithit ng rugby." natatawa nitong sabi.

"A-ko...

"See sayo na mismo nanggaling." nakangisi nitong komento.

"—abat loko 'to ah." sabat ko sa kanya.

"Normal lang yun sa mga mahihilig sa libro noh!" depensa ko.

"E bakit ako mahilig naman ako sa mga libro pero bakit di ko ginagawa yon?" nakangising sagot uli nito.

"Kasi wala ka pa sa kalingkingan ng pagiging Bibliophile. Kumbaga nasa Stage 1 ka palang. Halika at ituturo ko sayo ang technique ng pagiging isang Certified Bibliophile." pangongontra ko sa kanya.

Napailing iling lang siya habang naka-ngisi.

Mukhang wala talaga siyang balak maniwala na normal lang yun sa mga katulad kong Bibliophile.

"First step, maghanap ka ng libro na sobrang kinasasabikan mo."
sabi ko sa kanya.

Labag man sa kanyang kalooban agad naman siyang kumilos at naghanap ng libro.

Ilang saglit lang ay bumalik na siya dala dala ang isang libro.

Tumabi ako sa kanya at kinuha ang libro na hawak niya.

Binasa ko ang title nung librong kinuha niya.

"Fifty Shades of Grey."

Muntik na akong mapamura pagkatapos ko itong basahin.

"Errm seriously itong librong to ang kinasasabikan mo?" medyo awkward kong tanong sa kanya.

"Bakit ba? e di ko pa nababasa yan e curious lang ako." depensa nito na naka-ngisi.

Kelan kaya to titigil sa kaka-ngisi?

"O-kay let's start." sabi ko sa kanya

"First step choose the book that you admire the most. Tapos na tayo don which it turns out na Fifty Shades of Grey ang napili mo." naiilang kong sabi.

"Second step open the book." sabi ko tsaka ko binuksan ang libro.

"Third, make a permanent connection between you and the book. Damhin mong mabuti yung eagerness mo sa isang libro. Burst your emotion to the book itself as if the words written inside are calling you to aid them with your voice."

Nakatitig lang siya sakin habang nakangiti.

"And lastly, feel it and sniff it thoroughly with your eagerness between the book." sabi ko sa kanya at pinikit ko ang aking mga mata at sininghot nang mariin ang libro.

"Thats it!" nakangiti kong sabi.

"Ikaw naman." dugtong ko.

Kinuha niya ang libro at binuklat ito.

Pinikit nito ang kanyang mga mata at sabik na sabik itong sininghot.

For a moment napatitig ako sa kabuuan ng kanyang mukha.

Napaka-amo talaga ng mukha niya—he's so unreal.

Ang haba ng pilik mata niya at ang kinis ng mukha niya at...at...!

Napalunok ako nang madapo ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi.

Taena anong ginagawa ko?!

Bakit ko siya pinagpapantasyahan?

Shete biglang uminit mukha ko.

Agad naman akong napatalikod nang imulat na niya ang kanyang mga mata.

"Okay ba? huy anyare sayo bat nakatalikod ka bigla?" sunod sunod nitong tanong.

"Ah w-wala wag mo na lang akong pansinin. Oo okay yung ginawa mo kuhang kuha mo talaga." sabi ko sa kanya habang nakatalikod.

"Okay ka lang?" tanong uli niya.

Ang kulit naman ng isang 'to.

Ikinagulat ko nang pumunta siya sa harapan ko.

Agad ko namang tinakpan ang mukha ko.

"Huyy anyare ba sayo?" tanong nito habang tinatanggal ang dalawang kamay ko sa mukha.

"W-wala 'to ano ka ba!"

Pero mapilit ang loko.

Mas malakas siya kumpara sakin kaya ayon natanggal na niya ng tuluyan yung kamay ko sa mukha na ginawang pangharang sa namumula kong mukha.

"T-teka namumula ka." alalang sabi nito.

Tae sana di niya malaman kung bakit.

"Wait—nagba-blush ka e." natatawang sabi nito sakin.

Naku sana lamunin na ako ng lupa.

"H-hindi ah!" pagsisinungaling ko.

"Asus! indenial ka pa aminin mo na nag-blush ka dahil sakin." tukso nito habang tawa ng tawa.

"Hindi nga sabi e. S-sige mauna na ako." sabi ko sa kanya at bilis bilis akong naglakad palayo sa kanya.

Nakita kong sinundan niya ako kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Teka!" rinig kong sigaw niya.

"Huyy binibiro lang naman kita e." sabi nito sabay hablot ng kaliwang kamay ko nang maabutan niya ako.

Humarap naman ako sa kanya.

Kita ko sa mukha nito kung paano niya pigilan ang kanyang tawa.

Napabuntong hininga na lang ako tsaka ko siya tinalikuran.

"Okay sorry kung namula ka dahil sakin." pang-aasar nito.

Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Namula ako dahil sumama yung pakiramdam ko at hindi yon dahil sayo." pagsisinungaling ko.

"Hmmm ganun ba? kaya pala ganun mo na lang takpan yung mukha mo kanina." sabi nito na may mapang-asar na tono.

"Diyan ka na nga!" naiinis kong sigaw sa kanya at naglakad na palayo.

Agad naman niya akong sinundan.

Di ko na lang siya pinansin.

Sa presensya niya mas lalo lang niyang pinapaalala ang kahihiyang nagawa ko ngayong araw.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon