Chapter Four

615 54 0
                                    

Pagdating ng lunch ay mag-isa akong pumunta ng cafeteria.

Pagkabili ko ng pananghalian ay agad akong naghanap ng bakanteng upuan.

Naupo ako sa bandang dulo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang may tumabi sa akin.

Nagulat ako nang makita kung sino ito.

Si Mr. Cap.

"Ah-uhm pwedeng makiupo? wala na kasi akong mahanap na bakante." nakangiti nitong sabi.

Napanganga ako ng ilang segundo bago tumugon.

"Ah s-sige ba." nauutal kong sagot.

"Thanks." nakangiti itong naupo.

Hindi ako sigurado kung ngiti o ngisi.

Di tuloy ako makakain ng maayos dahil sa presensya niya.

Nagsimula na rin siyang kumain pagkatapos.

"Diba ikaw yon?"

Nagulat ako nang bigla niyang itanong sakin yan.

"Ha?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Ibig kong sabihin ikaw yung humalik sakin nung isang linggo sa jeep di ba?"

Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko pagkasabi niya non sakin.

Muntik na akong mabilaukan.

"T-teka nagkakamali ka hindi kita hinalikan." taranta kong sagot sa kanya habang nauutal pa.

Ramdam ko ang pag-tense up ng buo kong katawan sa sobrang hiya.

"Edi anong tawag mo don?" paghahamon nito sakin.

"Aksidente lang yon. Sorry di ko sinasadyang mahalikan ka---I mean uhm mailapat ang labi ko sa labi mo." nag-aalangan kong sagot.

Sana lamunin na ako ng lupa.

Hiyang hiya na ako rito.

"Ganun pa rin naman yon hinalikan mo pa rin ako—ninakawan mo pa rin ako ng halik."

"Hindi nga kita hina—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinutol na niya ito.

"Ikaw rin yung nasa bookstore nung isang araw di ba?"

Tumango lang ako.

"Who would have thought na magiging magka-klase pala tayo."
sabi nito habang nakangisi.

Kala naman niya bagay sa kanya ang ngumisi—mukha siyang aso.

"Kaya nga e. Small world." sabi ko.

Hindi na uli siya nagsalita pagkatapos at pinagpatuloy ang kanyang kinakain.

Palihim ko siyang tinitigan habang busy itong kumakain.

Bigla siyang lumingon kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

Napangisi siya sa kinilos ko.

Kitang kita ko ang pang-ngisi nito sa peripheral view ko.

Napayuko nalang ako sa kahihiyan.

Ilang saglit lang tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Sige mauna na ako." sabi ko sa kanya.

"Maaga pa ah." sabi nito.

"Baka ma-late kasi uli ako."

"May 30 minutes pa kaya. Nakalimutan mo na ata na magka-klase tayo." sabi nito habang nginunguya ang kanyang kinakain.

Napaka-baboy.

"Ah oo nga pala hehe."

Umupo na lang uli ako.

"Magkwento ka naman." out of the blue nitong sabi.

"Tungkol saan naman?"

"Sa buhay mo."

"Naku wag na wala namang interesante sa buhay ko mabo-bored ka lang."

"I don't believe you. Sige na kasi mag-kwento ka na."

"Sige na nga."

"Uhm ano ba ah ano mahilig ako sa libro."

"Halata nga." pagpuputol nito.

"...mahilig ako sa old music."

"Di nga?" di makapaniwalang tugon nito.

"Oo tsaka marunong akong mag-drawing—di nga lang kagalingan. Pero ang hilig ko talaga ay magsulat—magsulat ng kwento."

"Wow writer ka?" manghang sabi nito.

"Parang ganun na nga oh ikaw naman."

"Naku 15 minutes na lang late na tayo." sabi nito habang nakatingin sa kanyang relo.

"Madaya ka! pina-kwento mo ako tapos ikaw hindi."

Natawa lang siya.

Tumayo na siya at naunang naglakad.

"Halika na late na tayo!" sigaw nito.

Agad naman akong kumilos at sinundan siya.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon