Carson
Napamura ako nang makita ang oras sa alarm clock.
"Shet late na ako!"
Napasapo nalang ako sa aking noo nang maalalang nakalimutan ko palang mag-set ng alarm kagabi sa sobrang pagod.
Pinuyat kasi ako ni Mr. Cap kag—
I mean we stayed long hanging out last night.
Wala pa sigurong sampung minuto nang matapos akong maligo at makapamalit.
Real quick!
Kung mamalasin ka nga naman oh parada pala ng TODA ngayong araw.
Napatingin ako sa bisekletang nakatambak sa gilid ng bahay.
Kinakalawang na pero okay pa naman.
Agad ko itong pinunasan pagkatapos ay binombahan ko ang magkabilang gulong nito.
Mag-aalas nuwebe na nang akoy makalarga.
Todo pawis ang buong katawan ko nang makarating ako sa school.
Palakad na ako sa hallway papuntang room nang madaanan ko si Will na nakasandal sa pader habang nakatingin sakin ng seryoso.
Tila nabato ako nang magtama ang tingin naming dalawa.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Let's talk. 5PM." mahinang sabi nito tsaka umalis na.
T-teka ako ba yung kausap nun?
Napakibit balikat nalang ako.
Malapit na ako sa room namin nang makarinig ako ng pagsitsit.
Napalingon ako sa study shed sa gilid kung saan kasalukuyang nakaupo ngayon si Mr. Cap.
"Bakit ka late?" salubong nito sakin.
"Ayun di ako nakapag-set ng alarm tsaka nagkataong parada naman ng toda dun samin kaya wala akong nasakyan at nag-bike nalang ako papunta dito which is di naman mangyayari kung di mo ko pinuyat kagabi."
"Wait, are you blaming me? kung makapagsalita ka parang di ka naman nag-enjoy kagabi ah."
Bigla akong namula sa sinabi niya.
"Hindi nga." pagsisinungaling ko.
"Talaga ba? e bakit ka namumula? hahaha." hagalpak nito ng tawa.
Iba rin talaga mang-asar tong tukmol na 'to. Kagigil amp.
"Teka nga bakit ka andito sa labas? di ba may klase pa tayo?"
"Too late Carson kakaalis lang nung prof. natin. And by the way you missed our quiz today."
"Ano?" sigaw ko.
"Ssshhh joke lang 'to naman di na mabiro hahaha aww—"
Binatukan ko nga sumusobra na e.
Napaupo nalang ako sa study shed out of exhaustion.
Agad naman akong sinundan ni Mr. Cap.
"Hoy joke lang yun uyy."
Inirapan ko siya.
Tiningnan nito ang kanyang relos.
"Malapit na palang mag-lunch time oh. Tara sa cafeteria."
"Ikaw nalang tinatamad ako."
"My treat." nakangiti nitong sabi.
"Busog pa ko ikaw nalang kumain."
BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...