Chapter Forty Three

252 15 16
                                        

Mr. Cap

Malalim na ang gabi nang mapagdesisyunan naming umuwi ni Carson kaya naman sa daan palang ay malalim narin ang tulog nito.

Naiiling nalang ako habang pinagmamasdan ang natutulog nitong mukha.

Hinaplos ko ang buhok nito pababa sa malambot nitong pisngi.

Napakaamo ng mukha niya.

Napakapalad ko para biyayaan ng isang anghel.

Dumausdos ang kamay ko pababa sa mapupula nitong labi at agad nalunod sa sensasyong hatid nito sakin.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at marahang nilapat ang labi ko sa kanya.

Namilog ang mata ko nang bigla ako nitong siilin ng halik.

Gulat man ay nadala agad ako sa tagpo at tinugunan ang mga halik nito.

Mabagal ngunit malalim ang mga halik nito na halos magpa-baliw sakin ng husto.

Ang marahan nitong mga halik kalaunan ay marahas kong tinugunan.

Marahas ko siyang sinabasib ng halik na pawang gutom na leon na sabik sa laman.

Hayok na hayok naman niyang sinipsip ang mga labi ko at ninamnam ang bawat salitan namin ng laway.

Nang laliman ko ang aking halik ay napakapit nalang siya sa batok ko sa pagkasabik.

Pareho kaming napalayo sa isa't isa nang kapusin kami ng hangin.

Natawa nalang kaming dalawa habang habol-habol ang hininga ng isa't isa.

"Teka nasaan na tayo?" imik nito.

"We're home." nakangiting sagot ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya at agad na tumanaw sa bintana ng kotse para kumpirmahin kung nasaan talaga kami.

Matapos niyang makumpirma ay sinamaan ako nito ng tingin at kinurot sa braso.

"A-aww! napaka-sadista mo talaga!" hinaing ko habang hinihimas ang balat ko.

"Bakit mo ko dinala sa inyo?" galit nitong tanong.

"Bakit ba? gusto nga kitang iuwi anong problema dun?" pilyo kong sagot sa kanya.

"Sabi ko na nga ba at may binabalak ka sakin." untag nito sabay harang sa katawan niya.

Natawa nalang ako.

"Don't worry I'll be an angel tonight unless you want me to turn into a demon? hmmm." nakangisi kong pang-aasar sa kanya.

Namula agad ang magkabilang pisngi nito na ikinatuwa ko.

"Ang sabihin mo nalilibugan ka lang." bulong nito.

"Hoyyy narinig ko yun ah! sobra ka sakin." sabat ko sa kanya.

Alanganin itong ngumiti sakin sabay peace sign.

Mariin ko siyang di pinansin at lumabas ng kotse.

Hindi ako nito natiis at lumabas narin ng kotse.

"Sorry na oh." panunuyo nito sakin.

Hinawakan nito ang kamay ko pero agad ko ring hinablot pabalik at naglakad palayo.

Natigil ako sa paglalakad nang yakapin ako nito patalikod.

Uminit ang mukha ko at napangiti.

Hinagkan ko ang mga bisig nito at humarap sa kanya.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon