Chapter Eleven

359 46 0
                                    

Mr. Cap

Hapon na at hindi pa rin ako umuuwi.

Andito pa rin kami ngayon sa kwarto niya.

"Nga pala sayo ba 'tong number na 'to?" tanong niya.

"H-hindi ah." sagot ko.

"Wag ka nang magsinungaling ikaw yan. Pinagtri-tripan mo lang ako." pagpupumilit nito.

"Hindi nga ako yan at tsaka kelan ko ba hiningi number mo?" depensa ko naman.

"Oo nga noh? di ko naisip yon ah."

"See? assuming ka lang." asar ko sa kanya.

"Isa na lang, isa na lang talaga bibingo ka na sakin." inis niyang sabi.

"Hahaha ang sarap mo talagang asarin."

Inirapan lang niya ako.

"Hayy sige tulog muna ako." dagdag ko sabay higa sa kama niya.

Ansarap naman matulog dito sa kwarto niya kahit walang aircon.

Napaka-cozy.

Napapikit na lang ako.

"Feel at home ka rin e noh? Pero seryoso? hindi ba talaga i-" rinig kong sabi niya.

Bigla siyang natigil bigla sa pagsasalita.

"Tingnan mo to tinulugan ba naman ako. Walang manners!"

Hahaha kung alam lang niyang nagtutulog-tulugan lang ako.

Ramdam ko na tinititigan niya ako ngayon.

"Ang kinis ng mukha nitong isang 'to kainis." bulong niya.

Natawa ako sa isip ko.

Hahaha kung alam lang niyang rinig na rinig ko lahat ng pinagsasabi niya.

"Ang haba rin ng pilik-mata. Babae ata 'to e hahaha." mahinang tawa niya.

Argh! iba rin mang-asar 'to e noh.

Bigla kong naramdaman na lumapit yung mukha niya sa akin.

Ramdam ko ang mainit nitong hininga na bumubuga sa leeg ko.

Uminit tuloy bigla yung pakiramdam ko.

Gusto ko sanang dumilat pero sabi ng instinct ko na wag muna.

Ano naman kayang ginagawa niya sakin?

Don't tell me nanakawan na naman ako ng halik ng isang 'to?

Ramdam ko pa rin ang hininga nito sa leeg ko.

At kung di ako nagkakamali...

Inaamoy niya ako.

WTF!

Anong trip nito?

Naka-drugs ba siya?

Ramdam ko na mas lumapit pa ang mukha nito sakin.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon