Chapter Twenty Seven

247 34 3
                                    

Carson

Naglalakad ako sa may hallway ng school nang bigla kong makita ang grupo nila Will na masayang nagkwe-kwentuhan sa may study shed.

Binilisan ko ang paglalakad para makalapit sa kanila.

Malayo palang ay rinig ko na ang kwentuhan nila.

"Ay naku mas thrilling pag sa Siquijor, magandang mag-aswang hunting hahaha."

"Bro that won't happen hindi yan covered ng program baka nga ikaw pa ang mag-aswang dun e hahaha."

"Luh nagsalita ang hindi nag-aaswang."

Biglang tumigil ang hagalpakan nila nang makita nila ako.

Napatingin sakin si Will.

"What are you doing here?" matabang nitong tanong.

"Gusto kitang makausap."

"Okay."

"Yung dalawa lang sana tayo."

Tumingin siya sa mga barkada niya, tumango naman ang mga ito na tila naintindihan ang gusto nitong sabihin.

Nauna akong naglakad, sinundan naman ako nito.

Huminto ako sa isang bleacher at humarap sa kanya.

Matalim siyang nakatingin sakin kaya naman napayuko ako.

"I-'I'm sorry." mahina kong sabi.

Hindi siya umimik.

"Sorry about sa nangyari nung isang araw...hindi ko sinasadyang banggitin yung buong pangalan mo.Hindi ko naman kasi alam na—"

"Enough of this." he cut me off.

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Will maniwala ka hindi ko sinasadya."

He's not convinced.

"I said enough!" sigaw nito.

Nagsimulang mangilid ang luha ko sa pagtaas nito ng boses.

Napatakbo agad ako nang maramdamang nagbabadya nang pumatak ang luha ko.

My visions became blurry yet I refuse to stop from running.

Hanggang sa mabangga ko yung lalaking kasalubong ko.

"S-sorry." paumanhin ko rito nang hindi nililingon at tatakbo na ulit sana nang hilain ako nito.

Bigla akong napayuko sa sobrang kaba.

"S-sorry hindi ko po talaga sinasadya."

"Carson?"

Napaangat ako nang marinig ang pamilyar na boses na yun.

"Mr. Cap?" bulong ko.

Napayakap agad ako sa kanya.

He pat me on my back.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon