Chapter Thirty Five

286 33 16
                                    

Carson

Mahabang katahimikan ang namayani saming dalawa ni Mr. Cap sa loob ng kotse.

Malakas parin ang buhos ng ulan kaya naman wala kaming magawa kundi ang hintaying humina ito.

Tanging malalalim na paghinga lang ang maririnig sa loob ng kotse.

Walang imikan at todo ilang sa isa't isa.

Napansin ko ang pagbaling ng tingin nito sakin kaya naman napayuko agad ako.

Rinig ko ang malalim nitong buntong-hininga nang iwasan ko siya.

Basang basa parin ang suot ko kaya naman nanginginig na ang buo kong katawan sa lamig.

Agad din naman niya iyong napansin at binuksan ang heater ng kanyang kotse.

Nagulat ako nang ilagay nito ang kanyang jacket sa aking balikat.

Amoy na amoy ko ang kanyang pabango mula rito.

Palihim ko siyang tiningnan.

Nakatingin siya sa malayo.

Bigla akong namula nang maalala yung nangyari samin sa school grounds kanina.

Napahawak ako sa aking labi.

Napasinghap ako nang mapansing nakatingin siya sakin.

Mabilis akong tumalikod mula sa kanya.

Napasapo nalang ako saking noo sa kahihiyan.

Palihim ko siyang tiningnan at ang tukmol ngiting ngiti.

Argh! at bakit nga ba ako itong nahihiya at naiilang e siya itong humalik sakin.

Hindi maaaring ako ang mailang.

Buong tapang ko siyang hinarap.

Nawala agad ang ngiti nito sa labi nang mapansing niyang nakatingin ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"B-bakit mo ginawa kanina yun?"

Halos malaglag ang panga nito nang marinig niya iyon mula sakin.

"A-ang a-alin?" nauutal nitong sabi.

"Bakit mo ko hinalikan kanina?" mahina kong sabi habang nakayuko.

Hindi siya agad nakapagsalita tila ba napipi sa sinabi ko sa kanya.

"Ahh yun ba? a-ano kasi uhm nag-practice lang ako humalik hehe alam mo na baka one of these days magka-jowa na ako. K-kalimutan mo nalang yung nangyari."

Hindi ko alam pero biglang bumigat ang loob ko nang marinig iyon mula sa kanya.

Tumingala ako at tiningnan siya.

"Ahh ganun so ginawa mo pa talaga akong pag-praktisan? ingudngud ko kaya yang bibig mo sa pader!"

Sinapak ko siya sa balikat.

"Ahh-aray! s-sorry na wala akong ibang choice e."

"Buset ka anong no choice sinasabi mo diyan e andaming chicks ang nagkakagusto sayo bakit hindi nalang sila."

"Kung makapagsalita ka parang di mo naman nagustuhan. Ano masarap ba?"

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya.

"H-hindi noh kapal ng mukha mo!" namumula kong sabi.

"Agi pero ako nasarapan." pag-aamin nito.

Natameme ako sa sinabi niya.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon