Chapter Twenty Six

245 35 4
                                    

Mr. Cap

Chicken✔
pickles✔
oyster sauce✔
liverspread✔
ham✔
pineapple chunks✔
mushroom✔
cheese✔
onions✔
garlic✔
soy sauce✔

"Mukhang kumpleto na lahat." sabi ko habang tinitingnan yung ginawa kong listahan ng mga kailangan kong bilhin para sa gagawin kong dish mamaya.

"Oh ano tapos ka na diyan?"

Napalingon ako nang marinig ang boses na yun ni Carson.

"Ah oo nakuha ko na lahat ng kailangan." nakangiting sagot ko.

Kapansin pansin ang bitbit nitong limang bote ng nutella at isang supot ng loaf bread.

Tsk. adik talaga.

Napatingin siya sa laman ng push cart ko.

Napakunot agad ang noo nito ng makita yung mga binili ko.

"Yung totoo? ang dami mong binili e adobong manok lang naman lulutuin mo.Suka at toyo lang naman yung kailangan para dun." puna nito.

"Wow hiyang hiya naman daw ako sa mga nutella na binili mo.At sino bang nagsabi na adobo ang lulutuin ko?"

"At bakit nadamay na naman ang nutella ko.Ano ba kasing lulutuin mo at andami mong binili na sangkap."

"Basta malalaman mo rin mamaya.It's a specialty of mine."

"Okay sabi mo e."

"Ilagay mo na yung nutella mo rito sa cart at ako na ang magbabayad."

"Ah hindi, ako na magbabayad nakakahiya naman sayo, ikaw na nga 'tong bibili ng lulutuin para sa pananghalian."

"Wag ka na mahiya, minsan lang ako manlibre.

"Sigurado ka?"

"Yup."

"Sige na nga, mga rich kid nga naman oh." iiling iling nitong sabi habang nakangiti ng malapad.

Natawa ako.

~*~

So I'm stucked cooking habang yung isa kanina pa pumapapak ng nutella.

Eventually nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Akala siguro niya naiinggit ako—which is half true.

"Gusto mo?" he offered while licking his finger.

Gross.

Ang dugyot talaga kumain nito.

"No thanks." I assure him.

"Are you sure?"

"Why wouldn't I be so sure?"

"Kung makatingin ka kasi parang maglalaway ka na." natatawa nitong sagot.

"Bakit naman ako maglalaway sayo?" kunot noo kong sabi.

Napahagalpak siya ng tawa.

Only then I realized where did I go wrong at kung ano yung sinabi ko.

"Bakit ka nga naman maglalaway sakin hahaha." tawang tawa nitong pang-aasar.

"What I'm trying to say is bakit ako maglalaway sa nutella mo." paglilinaw ko.

"But you did, dude."

"No I'm not."

"Yes, you are."

Inabot niya sakin yung isang bote ng nutella na hindi pa nabubuksan.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon