Chapter Thirty Eight

217 22 7
                                    

Carson

Natapos naming dalawa ni Mr. Cap ang dalawang shift sa flip n' sip ng hindi nagpapansinan.

Nagcommute uli kami pauwi buti nalang at meron pa kaming naabutang jeep.

Sa loob ng jeep ay magkalayo kaming naupo sa isa't isa at mariing hindi nagkibuan.

Ilang sandali pa ay huminto na ang jeep sa tapat ng subdivision nila.

Tiningnan lang ako nito bago bumaba sa jeep.

Pagka-andar ng jeep ay napabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan siya sa malayo.

Mga ilang minuto lang ay nakauwi narin ako sa bahay.

Pagkasalampak ng katawan ko sa higaan ay agad na bumalik ang mga pangyayari kanina.

Nakatulala lang ako sa kisame habang inaalala ang mga sinabi niya kanina.

"Bakit naman ako magseselos?"

Kung hindi siya nagseselos dahil kay Will edi kanino?

Don't tell me ako ang pinagseselosan niya?

Napatakip ako ng bibig.

Hindi kaya may relasyon sila ng pinsan niya?

Incest!

Psh malabong mangyari.

Napailing nalang ako at pilit na pinikit ang aking mga mata para matulog.

Namulat uli ang mata ko nang maalala ang mga nangyari kanina.

Argh!

Kinuha ko nalang muna ang phone ko para maglibang.

Binuksan ko ang facebook at bumungad agad sakin ang status post ni Mr. Cap.

"What if."

Ganyan siya katipid mag-post.

Ano kaya yun?

May nag-comment dito kaya binasa ko.

Sophia De la Cruz
What if...we work out <3

Sino naman kaya itong higad na Sophia De la Cruz na 'to?

Ang kapal ah may work out work out pang nalalaman edi mag-gym kayo ni Mr. Cap kung gusto niyo.

Sinara ko ang facebook app sa sobrang inis.

Pumunta nalang ako sa gallery ng phone ko.

Pagkabukas ay mukha agad ni Mr. Cap ang bumungad sakin.

Naka-save pa pala dito yung selfie na sinend niya sakin.

Zinoom in ko ito.

Shet ang cute talaga niya.

Ang sarap niya panggigilan.

Ang sarap niyang pingutin sa pisngi.

Ang sarap niyang tirisin.

Ang sarap niyang ibulsa.

Ang sarap niyang iuwi.

Nadapo ang tingin ko sa labi nito.

Ang sarap—

Natigil ako sa pagpapantasya ko nang biglang nag-vibrate ang phone ko.

Putek muntik ko nang mahulog ang phone ko.

Tiningnan ko kung sinong nag-text.

Kuya Daniel

Babalik na ko sa flip n' sip bukas.
Salamat sa pagsalo ng shift ko nitong mga nakaraang araw :)

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon