Chapter Thirty Seven

236 30 5
                                    

Carson

"Anong ginagawa mo dito?" yan ang narinig ko mula kay Mr. Cap nang makita kami ni Will sa flip n' sip na naghaharutan—I mean nung ginagamot ni Mr. Cap yung sugat ko.

"Oh Will napadaan ka." masayang bati ko sa kanya.

Ngumiti siya pabalik.

"May bibilhin lang sana ako sa convenient store e sakto namang nakita ko kayo dito." paliwanag nito.

"Ganun ba teka kumain ka na ba?"

"Yup bakit?"

"Ayy sayang naman ikaw sana unang customer namin."

"I think it's not that bad to take another carbs then. Uhm bigyan mo ko ng dalawang double spicy cheese burger."

"Double spicy cheese burger coming up." masayang sabi ko tsaka nagtungo sa fridge.

Nadatnan ko si Mr. Cap na nakabusangot.

"Hoy nakabusangot ka diyan." imik ko habang kinukuha ang patties.

"May panira kasi." bulong nito.

Napakunot ako sa sinabi niya.

"Panira?"

"Nevermind sige ikaw muna bahala dito magbabanyo lang ako." batrip na sabi nito.

Anyare dun?

Pinagkibit-balikat ko nalang at tsaka inasikaso ang order ni Will.

Ngumiti ito sakin nang mabaling ang tingin ko sa kanya

Napayuko naman ako at sinimulang iprito ang mga patties.

"Anong nangyari sa daliri mo?" biglang tanong nito.

"Ah eto ba nasugat ko kanina habang naghihiwa ng mga gulay."

"Let me see." sabi nito at kinuha ang kamay ko.

Hinawakan niya ito at hinaplos.

Bigla akong namula sa ginawa niya kaya naman agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Naku baka masunog yung mga prini-prito ko." palusot ko sa kanya.

"T-teka ba't ka namumula?" pagtataka nito.

"Ah-ano kasi mainit yung kalan kaya namumula mukha ko, sensetive kasi yung balat ko." pagsisinungaling ko.

"Fascinating huh." natatawang sabi nito.

Tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagpri-prito.

Sakto namang lumabas sa CR si Mr. Cap na nakabusangot parin ang mukha.

Naupo ito sa tapat ni Will.

"I didn't know you also work here, couz." imik ni Will sa kanya.

"Nope I just rescued Carson from getting another shift dahil walang magsu-sub sa kanya." paliwanag ni Mr. Cap.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon