Chapter Thirty

258 38 5
                                    

Mr. Cap

Uwian ng hapon ding yun ay nagpaalam sakin si Carson na hindi siya makakasabay sakin sa pag-uwi dahil pupunta pa siyang library.

Hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa kanya lalo pa at iilan nalang ang tao sa campus ng mga oras na yun kaya naman palihim ko siyang sinundan.

And to my surprise hindi siya dumaan sa hallway papunta ng library.

Naglakad ito papunta sa school grounds.

Nagtago ako sa mga halamanan at sinundan siya ng tingin.

Tumigil siya sa paglalakad sa bleacher at dun ko lang napansin na may naghihintay sa kanyang lalaki sa gilid ng bleacher.

Lumapit ang lalaki sa kanya.

Muntik na kong mapamura nang makitang si Will pala yun.

Anong ginagawa ni Will dito at tsaka bakit sila palihim na nagkikita ni Carson?

And to think na nagsinungaling pa sakin sa Carson just for this?

Anong meron sa kanila?

I suddenly felt a pang in my chest.

Nag-uusap sila pero hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila sa layo ng pinagtataguan ko.

Nagulat ako nang kunin ni Will ang kamay ni Carson at marahan itong pinisil.

Are they having an affair?

Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang itago ito sakin?

I don't know why pero biglang bumigat ng dibdib ko.

My insides are raging and I can't explain why.

Agad namang hinila ni Carson ang kamay nito kay Will.

And with that napabuntong hininga nalang ako ng malakas na tila ba kanina ko pa pinipigil ang sarili sa paghinga.

Nag-usap ulit sila at ilang saglit lang ay nakita kong inakbayan niya si Carson at sabay na naglakad paalis ng grounds.

I feel outraged seeing them alone together.

This can't be happening.

Napasuntok nalang ako sa sementadong taniman ng halaman out of frustration.

My knuckles bleed.

Napangiwi ako sa hapdi but it did not stop me from following them in secret.

I keep my shadow out of eyeshot.

~*~


"Ano pong order nyo Sir?" napaangat ang tingin ko sa waitress na nasa harap ko.

"Ahh isang Hot choco lang muna."

"Okay sir, hot choco coming up."

Nandito ako ngayon sa isang Café   at sinundan ang dalawa.

Suot suot ang paborito kong cap ay patuloy ko lang silang pinanood.

Mula sa pwesto ko sa sulok ng store ay kita ko ang table nila Carson at Will.

Kita ko ang mukha ni Carson habang masayang kumakain ng choco mousse.

Sus nasuhulan lang ng chocolate 'to kaya sumama.

Tsk mabilaukan ka sana.

Nagulat nalang ako nang bigla itong maubo.

Shit nabilaukan nga!

Tarantang tarantang kumuha ng tubig si Will at inabot ito sa kanya.

Hinagod hagod ni Will ang likod ni Carson habang umiinom ito ng tubig.

Alam kong wala akong karapatang mainis sa kanila pero hindi ko mapigilan ang sariling mainis lalo na kay Will.

Am I jealous? for what?

Masayang nag-usap ang dalawa pagkatapos.

Kung maka-asta sila parang ang tagal na nilang magkakilalang dalawa.

Lalong sumidhi ng inis ko sa dalawa.

I feel outraged inside.

But then realization brought me to my senses.

And it hit me...

This is all wrong.

Itong ginagawa ko ngayon.

Itong nararamdaman kong galit.

This is way too wrong.

Pero kahit sabihin ko sa sarili kong mali ito hindi parin nito maiibsan ang galit at inis na nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa man nakakarating sakin ang order ko ay naglapag na ako ng bayad sa mesa at agad na tumayo sa kinauupuan ko.

Nang matapat ako sa pwesto nila ay palihim kong tiningnan si Carson.

Halos mamanhid ang tuhod ko nang mabaling ang tingin nito sakin.

Agad akong yumuko at binaba ng konti ang suot kong cap.

Napabuntong hininga nalang ako at tahimik na nilisan ang resto.

To be continued...

10 votes for next update!

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon