Chapter Thirty Two

281 31 8
                                    

Parang kisap mata lang na lumipas ang weekend at Lunes na naman.

Nakakatamad talaga pumasok kapag araw ng Lunes.

Kanina pa tumunog ang alarm clock ko pero parang ayaw akong pakawalan ng higaan ko.

Argh. I hate Mondays.

Nagulantang ako nang mag-ring ang phone ko.

*Unregistered number calling*

Teka sino naman 'to?

Kunot noo ko itong sinagot.

"Hello sino po sila?"

"Ako 'to."

"Mr. Cap?"

"Yup. Bakit hindi pa ba naka-save number ko sa phone mo?"

"Ahh e h-hindi pa."

"Tsk tingnan mo 'to parang di mo ko kaibigan ah."

"Oo na eto na ise-save ko na baka magtampo ka na naman." sabi ko sa kanya.

Rinig ko ang pagsinghal nito sa kabilang linya.

Natawa ako.

Naiimagine ko kasi mukha niyang nakabusangot.

"Bakit ka tumatawa?"

"Ahh wala hahaha."

"I-save mo nalang yang number ko. Ilagay mo Mr. Cap cute."

"Hahaha neknek mo bakit ko naman ilalagay na cute e hindi ka naman cute." pang-asar ko sa kanya.

"Bakit ba cute naman ako ah. Okay kung ayaw mo eto nalang Mr. Cap pogi."

Napahagalpak ako ng tawa.

"Hoyy totoo yan proven and tested." sabi nito.

"Saan banda hindi ko kasi makita?" natatawang asar ko sa kanya.

"Ipapakita ko mamaya sa school para maniwala ka sa taglay kong kapogihan."

"Wow talaga lang ha."

"Oo naman so you better brace yourself baka di mo ko kayanin mamaya."

Natahimik ako sa sinabi niya at namula.

Argh! Carson kung saan saan na naman napupunta isip mo.

"Bat natahimik ka?"

"Ahh natangay kasi ako sa lakas ng hangin."

"Really? or did your mind take you again elsewhere? hmmm." kahit sa tawag ramdam ko ang pagngisi nito.

Pero pano niya naman nahulaan yun?

Magkadugtong ata utak naming dalawa pagdating sa mga ganung bagay.

"Napaka-berde mo talaga mag-isip."

"Aysus parang ako lang ah." mapang-asar nitong sabi.

"Hoyy tukmol ka anong gusto mong sabihin—na pati ako?"

"Parang ganun na nga."

"Walang hiya."

Natawa ito sa kabilang linya.

"Sige ibababa ko na 'to baka ma-late pa tayo."

"Buti naman naisip mo yan."

"Oy wag mong kalimutan i-save tong number ko. Remember Mr. Cap pogi." sabi nito.

"Oo na eto na ise-save na."

"Yehey!" sabi nito na parang bata then he hang up the call.

Tsk. isip bata.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon