Chapter Forty

244 19 4
                                    

Carson

Kapang-kapa ko ang abs ni Mr. Cap mula sa pagkakapulupot ng mga kamay ko sa kanyang katawan.

Nagliliyab ngayon ang buong katawan ko sa init na nararamdaman ko.

Amoy na amoy ko sa kanyang likod ang pabango nito na naihalo na sa kanyang pawis.

Nakakaadik.

Napasandal nalang ako sa likod nito at siningkot ang amoy nito.

Napapikit nalang ako sa kakaibang sensayon na aking nararamdaman.

"Carson nakatulog ka na ata diyan?" biglang tanong ni Mr. Cap na siyang gumising sa diwa ko kaya naman napabango ako mula sa pagkakasandal sa kanya.

"H-hindi naman." sagot ko sa kanya.

"E bakit ka nakasandal sakin?"

"Ah-ano kasi nangangawit ako kaya bigla akong napasandal." palusot ko.

"Talaga ba? o baka naman inaamoy mo lang talaga ako?" natatawa nitong sabi.

Pinisil ko ang tiyan nito.

Pero imbis na dumaing ito sa sakit ay umungol siya.

"Ugh." ungol nito.

"Hoyy sino nagsabing umungol ka mukha kang porn star." hagalpak ko ng tawa.

"Actually I'm really a porn star. Want to make a video with me me?" nakangising lingon nito sakin habang nagmamaneho ng bike.

Namula ako sa sinabi niya.

Pinisil ko uli ang tiyan nito sa inis.

"Aray ko! Carson nakakailan ka na sakin ah." sita nito.

"Ikaw kasi kung ano anong lumalabas sa bibig mo." sumbat ko sa kanya.

"Wow pa-virgin." hagalpak nito ng tawa.

"Gagu virgin pa talaga ako." sabat ko naman.

"Weh?" asar nito.

"Anong weh? wag mo kong itulad sayo na hindi na virgin." pang-aasar ko rin sa kanya.

"Hoyyy virgin pa 'to boi. Wala pa kong nagagalaw kahit sino." sigaw nito na siyang ikinamula lalo ng mukha ko.

"Tama na nga tayo sa usapang virgin nandidiri na ko." sabi ko sa kanya.

Tinawanan lang ako nito.

"Pa-virgin talaga." hagalpak nito ng tawa.

"Sige isa pa itutulak na talaga kita rito." inis kong sigaw.

"Sige itulak mo ko para mahulog tayong dalawa sa isa't isa."

"Ano?" walang ka-ide-ideya kong tanong sa sinabi nito.

"Wala sabi ko magpatihulog ka nalang mag-isa mo."

Bumitiw ang isa kong kamay sa pagkakakapit sa kanyang katawan at hinampas siya.

"Ugh. sadista ka talaga Carson!" hinaing nito na sinamahan pa ng ungol.

Putek na ungol yan.

"Sadista na kung sadista." sabat ko.

"Sadista ka rin siguro sa kama." out of nowhere nitong sabi na siyang nagliyab sa buong mukha ko.

Sasapakin ko uli sana siya pero may paparating na sasakyan kaya minabuti ko nalang na pigilan ang sarili ko.

"Buset ka talagang Mr. Cap ka mamaya ka lang sakin naku makikita mo." inis kong sabi.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon