Chapter Thirteen

351 41 0
                                        

Carson

Sampung minuto na ang nakalipas magmula nung tinakbuhan ko si Mr. Cap.

Andito ako ngayon sa Toys & Accesories naghahanap ng pwedeng ipanregalo sa kanya.

Ano kayang magandang iregalo?

Ano naman kayang mabibili ng 50 pesos ko?

Napabuntong hininga na lang ako.

Napasinghap ako nang mabaling ang mata ko sa isang kwintas.

Silver necklace siya na may pendant na hugis libro.

Ang cute naman neto!

Lumawak ang ngiti ko nang malamang P50 lang 'to.

Agad akong pumunta sa counter at binayaran ito.

Pagkalabas ko ng shop ay bumungad sakin ang mukha ni Mr. Cap.

Galit na galit ang mukha nito.

Konti na lang e lalabasan na ng usok yung dalawang butas ng ilong niya.

"Nagmumukha na akong tanga sa kakahanap sayo tapos makikita lang kita na enjoy na enjoy sa pagwi-window shopping?" galit nitong sabi.

"Mr. Cap—" panimula ko.

"Sana man lang nagpaalam ka sakin bago mo naisipang magsolo." pagpuputol nito sa sinasabi ko.

Ngayon ko lang nakitang nagalit ng ganito si Mr. Cap.

Nakakatakot pala talaga siya magalit.

"Mr. Cap sorry na kasalanan ko. Wag ka nang magalit sakin please." nakayuko kong sabi sa kanya.

Nanatiling tikom ang bibig nito pagkasabi ko non kaya napaangat ako ng tingin.

Kita kong namumula ang mga pisngi nito.

Siguro sa sobrang galit.

"Sorry na oh sumaglit lang naman ako kasi may kailangan akong bilhin."

"So mas importante pala yung bibilhin mo kesa sa akin na kaibigan mo? Ganun ba yon, Carson?"

"Hindi sa ganun—"

"Yes you do."

"Pwede ba pakinggan mo muna ako." irita kong sabi sa kanya.

Di siya nakaimik pagkasabi ko nito sa kanya.

"Sorry na di ako nagpaalam sayo kanina." sabi ko sa kanya.

Nakatitig lang siya sakin.

Napaangat ang isa kong kilay.

Unti unting pumorma ang ngiti sa kanyang labi.

"Baliw!" sigaw ko.

"Andrama mo." sigaw naman niya sakin.

"Ako pa ngayon ang madrama? sino bang nag-drama satin?"

"Hindi yon drama. Galit na galit talaga ako sa ginawa mo."

"Sorry na." malambing kong sabi.

Lumapit siya sakin.

Ramdam at amoy ko ang mainit nitong hininga sa leeg ko.

"Tatanggapin ko lang ang sorry mo sa isang kundisyon." nakangisi nitong bulong sa tenga ko.

Napalayo tuloy ako agad sa kanya.

"A-ano naman yon?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Ngumisi muna siya bago sumagot.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon