Chapter Seven

502 47 11
                                    

Kasalukuyan ko ngayong hinihintay si Mr. Cap sa silong ng punong acacia sa likod ng campus.

Sabado ngayon kaya mangilan ilan lang ang tao.

Kanina ko pa siya hinihintay pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

Naku pa-VIP siya masyado.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.

Ano bang espiritu ang sumanib sakin kahapon at niyakap ko siya.

Taena!

At bakit naman namula yon?

Kahit sino naman siguro mamumula kapag niyayakap na lang bigla? diba?

Siya na nga itong namula siya pang may ganang mang-asar.

Di ko talaga makakalimutan yung sinabi niya sakin kahapon.

"S-sorry nadala lang."
nakayuko kong sabi sa kanya.

Hindi siya umimik kaya napa-angat ako ng tingin.

Nagulat ako nang makita kong namumula siya.

Nung maka-recover na siya sa pagkabigla ay bigla siyang nagsalita.

"Asus chansing! para-paraan ka rin talaga e noh."

"H-ha? ang kapal mo ha feelingero!" sigaw ko sa kanya.

Agad ko siyang tinalikuran pagkasabi ko non sa kanya.

~*~

Ano na kayang nangyari don?

Magdadalawang oras na akong naghihintay sa kanya hanggang ngayon di pa rin siya dumadating.

Subukan lang niyang di sumipot.
Ay naku masasapak ko talaga yon pag nagkataon.

Naku baka mamaya may nangyari nang masama sa kanya.

Naku ano ba tong pinag-iisip ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pakikinig ng mga kanta sa phone ko para kumalma ako ng konti.

"Ayy puchang gala!" muntik na akong matumba sa pagkakaupo ko dahil sa gulat nang maramdaman kong may kamay na pumiring sa mga mata ko.

"S-sino yan?" kinakabahan kong sabi sa estranghero na nasa likod ko ngayon.

"Guess who?"

Napatigil ako.

Nakilala ko agad kung kaninong boses ito.

Tinanggal ko ang mga kamay na nakapiring sa mga mata ko at lumingon ako sa likuran pagkatapos.


Sabi ko na nga ba pinagtri-tripan lang ako ng buset na Mr. Cap na 'to.

Napahagalpak ito ng tawa.

"Ha. ha. ha. nakakatawa."
sarcastic kong sabi sa kanya.

"Ang sungit mo naman."

Inirapan ko lang siya.

"Ikaw pa may ganang man-trip ngayong pinaghintay mo ko ng matagal.

"Sorry na traffic sa daan e." malumanay nitong sabi.

"Nevermind. Sige na turuan mo na ako nang hindi nasasayang ang oras."

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon