Chapter Twenty Five

265 36 3
                                    

Carson

Sumakay kami ng jeep ni Mr. Cap pauwi samin ng hapon ding yun.

Hindi ko alam kung anong trip neto at sa bahay pa napiling magkwento.

Dahil nga siksikan sa loob ng jeep hindi maiwasang magdikit ang balat naming dalawa.

At ang mokong parang tuwang tuwa pa.

Nawili ba namang ipitin ang katawan ko.

Akmang sisikuin ko sana siya nang biglang nagpreno si Manong driver.

Hindi ko namamalayan napunta na pala yung kamay ko sa hita niya.

Napatingin si Mr. Cap sa kamay kong nakadapo sa hita niya pagkatapos lumipat ang tingin nito sa akin.

Nakangisi ang gagu.

Agad ko itong tinanggal.

Natawa siya sa inakto ko.

Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha nito sa tenga ko.

"Chumachansing ka na naman, wag dito maraming tao." bulong nito sakin.

Namula ang tenga't mukha ko pagkatapos ko itong marinig sa kanya.

Buset!

And right on queue, bigla ko siyang siniko.

"Awww!" sigaw nito.

"Ay halla sorry di ko sinasadya." pagkukunwari ko.

Napatingin tuloy lahat ng pasahero ng jeep sa kanya.

Sinamaan ako nito ng tingin habang himas himas ang tagiliran niyang siniko ko.

At kung mamalasin ka naman oh sumakto pang traffic.

Mga ilang minuto lang ay nagsimula na akong antukin dahil sa bagal na usad ng sasakyan.

Matapos kong isandal ang ulo ko sa dingding ng jeep ay tuluyan na akong inantok.

Naalimpungatan nalang ako sa pagkakaidlip nang maamoy ang pinaghalong pawis at pabango na yun.

"Hmmm ambango nakakaadik." sa isip ko.

Nagtaka ako kung kanino galing yung amoy na yun at bakit ko naaamoy.

Pagmulat ko ng mata ay agad na bumungad ang mukha ni Mr. Cap na nakangisi sakin.

Muntik na kong mapamura.

Nakasandal lang naman ang ulo ko sa balikat niya.

Nabalikwas ako agad at umayos ng upo.

Mabuti at mangilan-ngilan nalang yung mga pasahero sa jeep.

"Musta ang tulog?" mapang-asar na tanong nito sakin.

"Ha? ah maayos naman.Medyo nahilo lang ako sa amoy nung pinangsandalan ko." pang-aasar ko sa kanya.

"Nahilo raw pero kung makasinghot sa balikat ko kanina para na akong kakainin." natatawang bulong nito.

Sininghot ko ba talaga?

Luh? di ko maalala!

At idagdag mo pa na andaming pasahero kanina.

Nakakahiya!

"Anong sininghot pinagsasabi mo diyan? imbento ka!"

"Asus, ayaw mo lang amimin e. Haist kawawa naman ako, lagi nalang ako nachachansingan." sabi nito habang iiling iling na parang pinagsamantalahan.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon