Chapter 47. Talent

132 10 6
                                        

Tumambad sa screen ang isang pdf file noong buksan ang attachment

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumambad sa screen ang isang pdf file noong buksan ang attachment.

"All candidates for The Queen of Local's Competition are required to wear six inches heels throughout the pageant." basa ni Mayumi. Sinulyapan niya ang kaniyang mga sapatos na puro flat shoes at rubber shoes na nakahanay sa tabi ng kaniyang aparador. "The candidates must be prepared for the sportswear, talent portion..."

Napako rito ang mga mata ni Mayumi.

"Talent portion..."

Napapitlag siya noong umugong ang kaniyang selpon at lumitaw ang isang mensahe.

Napapitlag siya noong umugong ang kaniyang selpon at lumitaw ang isang mensahe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumunog ang upuan noong sumandal dito si Mayumi.

Napatulala siya sa kawalan.

_______

Sunod-sunod ang paghampas ng bola sa court. Nagpapapalit-palit ito sa palad at braso ng mga nagta-tryouts. Maliksi ang kanilang mga paa na sumasabay sa bilis ng bola.

Pinanood sila ni Mayumi, nagbabakasakali na lilitaw ang sagot sa kaniyang isipan habang dinadama ang kumpas ng hangin.

"Ba't para ka na namang si Einstein d'yan?"

Napangiti si Mayumi.

Lumingon siya kahit na alam niya na bakante ito. Umaasa na matatagpuan ang singkit na mga mata na nakatingin kaniya pabalik.

Ibinaling ni Mayumi ang kaniyang tingin sa mga naglalaro. Humampas na ang bola sa lapag at natagpuan niya ang atleta na nabigo sa pagsalo nito. Nakadapa siya at mayroong bakas ng alikabok sa kaniyang mga knee pads.

Umihip ang hangin at muling naramdaman ni Mayumi ang pagaspas ng pakpak ng mga mariposa sa kaniyang tiyan.

'I miss you, Tala.'

_______

"--blue naman 'yung kulay ng school natin, so what if "Under the Sea" na lang 'yung theme?"

Binatuhan siya ni Franchesca ng masamang tingin sa likod ng kaniyang hawak-hawak na burger. "Ano kaya 'yun? Isa sa'tin si Ursula?"

"Oo, ako." mabilis na tugon ni Chelsea nang mayroong pilyong ngiti bago naman siya ituro. "Ta's ikaw 'yung lobster." sabi niya at ginaya pa ang pagpitik ng mga sipit nito.

Spring OnionsStories to obsess over. Discover now