Chapter 51. Apoy

81 7 30
                                        

'Girl-feeling.

Gut feeling.

It's basically the same.

It's the relentless feeling that urges you to act or believe on something based on a hunch.

But can it be considered a hunch when the evidence is scattered around you like shattered fragments of the whole truth?

One may have swept it up -- cleaned it. But it's still there. Tiny. But glistening brightly.

Waiting to be found.

But still not enough to show the whole truth it once embodied.'

Malakas at garalgal ang daing ng pinto noong buksan ito ni Mayumi. Kaagad na umalingasaw ang maantang amoy.

Nabuksan na niya ang lahat ng stall. Kumakaway na ang mga ito sa bawa't hampas ng hangin.

Ngunit bakante ang lahat ng ito.

Sunod niyang sinilip ang likod ng elementarya.

Loob ng canteen.

Nakipagsiksikan din sa mga nakabihis at nakaayos na mga bata sa likod ng auditorium.

Wala pa rin si Noelle. Wala.

Sinuyod ni Mayumi ang kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok. Naglalakad siya na parang walang ulo. Nangangapa at nanghuhula kung saan patungo.

'What if I'm wrong? What if nothing is going on?

No. No..

She's been gone for hours.

If I were Noelle... where would I be?

No...

If I were Noelle, where would they hide me?'

Maingay ang mga tao sa kaniyang paligid. Nalalagpasan siya at minsan ay nadudunggol.

Kaya't napalingon si Mayumi sa dulo ng kanilang campus na tahimik at luma, at napako ang kaniyang tingin sa isang istruktura na nangangalawang na ang bubong at kinakain ang katawan ng amag.

Malayo sa ingay, at lalo na sa tao.

Iyong tipo na kahit anong lakas ng iyong sigaw, walang makakarinig sa iyo. Kahit mamalat ka pa at mawalan ng boses, walang pupunta rito dahil sa sobrang luma at abandonado.

Dumiin ang tingin ni Mayumi rito.

Napalilibutan ito ng mga puno at mataas na bakod na matagal nang nawarak ang nakaharang na net sa taas. Natatakpan ang liwanag na nararapat suminag dito dahil sa kapal ng mga dahon.

Wala tuloy itong pinagkaiba sa noong una silang mapadpad dito. Madilim pa rin at ipinagtatabuyan siya.

Ngunit mas lalo lamang nitong pinalakas ang pagpintig ng kaniyang pulso. Daig pa ang isang bato balani na hinahatak siya palapit.

Kaya't pinili niyang maging bingi sa bulong ng mga umuugoy na dahon.

Padilim nang padilim ang kaniyang paligid habang patuloy niyang tinatahak ang daan palapit dito. Sa lago at kapal ng mga kumukurbang sanga ng mga puno, wala na rin itong ipinagkaiba sa gabi.

Ngunit doon sa malayo, naaninag niya pa rin ang isang pigura. Nakatayo ito at nakatalikod sa kaniya.

"Noelle?"

Unti-unting nananahimik ang kaniyang mga palaisipan noong lumingon ito. Kuminang ang kaniyang suot na dress na kaparehas din ng kaniyang suot, at kumislap ang kaniyang malaking hikaw sa hiram na liwanag noong umugoy ang mga sanga.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon