Hinaluglog ni Tala ang laman ng refrigerator. Nakasilip mula sa loob ng mga matigas na plastic ang mga dilat pang isda, giniling na karne, at mga biyas ng manok.
Hinugot niya ang tatlong pakete ng wrapper na nakatago sa sulok.
'Isa lang naman okay na, si Mayumi talaga...' isip niya.
Napangiti siya nang bahagya sa kabila ng kaniyang mga daliri na nginangata na ng nagyeyelong wrapper sa lamig. Napawi ito ng multo ng mainit na halik sa kaniyang noo.
Habang hinihintay na lumambot ang wrapper, itinuon ni Tala ang kaniyang pansin sa mga nakahanay na rekado sa lamesa. Pumamewang siya, determinado ang tingin habang hawak-hawak ang kaniyang kodigo-- este kuwaderno.
Madali ang pagpreprepara para kay Tala. Mabilis siyang nagbalat ng gulay, hiniwa ang mga ito, ginadgad ang mga kailangan maging pino, tapos isinama sa naka-defrost nang giniling na baboy upang haluin kasama ang mga pampalasa.
Hinayaan niya lamang ito ma-marinate, sakto sa paglambot ng wrapper.
Nagmuni-muni muna siya. Tumulala siya sa bintana at pinapanood ang bahagyang pagsilip ng araw mula sa ilalim ng langit. Unti-unti nang lumiliwanag ang kanina lamang ay madilim pang madaling araw.
Muling sinilip ni Tala ang kaniyang kuwaderno noong napaghiwalay na ang malambot nang wrapper. Parisukat ang mga ito sa kaniyang palad at hindi kalakihan. Nilagyan niya ito ng palaman sa gitna at sinubukang sundan ang kaniyang magulong sulat.
"Eh 'di ifo-fold ko lang..." itiniklop niya ito nang maingat ang galaw na parang gumagawa ng isang origami. "Tapos..."
Napasinghap si Tala noong biglang lumusot ang palaman nito sa gilid. Sinubukan niya itong linisin, ngunit nagkalat na ito sa balat, dahilan para maging labsak na ito at mabutas.
"Ayy-- shacks!"
Tiningnan niya ang malungkot na dumpling na parang ginulungan ng trak sa kaniyang palad.
"Masiyado palang marami 'yung filling..." nguso niya.
Inabot niya ang isa pang wrapper at sumubok muli.
Iyong sunod niya ay masiyadong lukot-lukot, tapos ang pangatlo naman sobrang pangit na parang butiki na ang laman ng wrapper, tapos ang pinaka-bago ay parang nginatngat ni Brownie.
Tumutulo na ang pawis ni Tala sa kaniyang noo, ngunit pinikit niya lamang ito paalis. Nanatili siyang nakapokus sa pagtupi ng dumplings.
Pinagpilitan niya na may design ang gilid nito kahit na pwede naman niyang isara na lamang ito nang simple.
Gusto niya na maganda ito tingnan, ngunit taglay naman niya ang kamay ng isang tao na hindi mahusay sa sining. Kaya't pigil hininga niyang itinupi ang gilid ng dumplings. Ayaw sumuko.
Noong mapindot na ang huling parte, inilayo niya ito sa kaniyang mukha.
Nagningning ang mga mata ni Tala, at tumawa siya nang mahina. Pagkatapos ng ilang subok, nakagawa na rin siya ng matino-tino.
"Ang galing ko talaga!" daig niya pa ang isang kiti-kiti kung umikot sa kaniyang upuan sa tuwa. "Multi-talented! Amazing! Spectacular!"
Tila ba hindi niya naisipang pisatin ang dumplings kanina gamit ang kaniyang kamao.
Ibinalik ni Tala ang kaniyang tingin sa dumplings at marahan itong inilapag sa plato, mistula isang sanggol na ibabalik sa pagkatulog.
"Sana magustuhan 'to ni Mayumi."
_______
Mistula isang daga na nahuli sa akto si Tala noong bumukas ang ilaw sa gawi ng hagdanan.
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
