Chapter 50. "Girl-feeling"

90 7 11
                                        

Hinawakan ni Mayumi ang kaniyang magkabilang baywang nang mayroong ngiti. Sinusubukan niya itong manatili kahit na napangingiwi at napaluluha na siya sa mala-karayom na tinutusok-tusok ang laman ng kaniyang binti at talampakan.

Naka-lunge siya habang pilit na binabalanse ang kaniyang sarili sa anim na pulgadang takong. Isa lamang ito sa maraming ensayo upang masanay siya sa pagrampa.

"--when you walk, it's supposed to be confident strides. Always chin up. Always smiling." wika ni Auntie Leila.

Napatulala si Mayumi sa kaniya noong walang kahirap-hirap siya na naglakad nang suot-suot ang pares ng takong na kasing tangkad lamang ng sa kaniya. Nakangiti siya noong huminto siya sa gitna sabay ikot nang bahagya upang humarap sa manonood bago i-anggulo ang kaniyang sarili. Marikit at puno ng kumpiyansa.

"And when you finish introducing yourself, have a clean exit." wika niya pa at muling tumingin sa audience, tila ba pumupungay ang mga mata. Umikot siya nang patalikod bago i-anggulo ang kaniyang baywang, hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa audience bago siya tumalikod nang tuluyan.

Tumango si Mayumi at sinabayan siya sa paglalakad.

_______

Marahan na pinatay ni Auntie Leila ang ilaw at inangat ang makapal na comforter na mayroong mga nakaburdang maliit na lilang bulaklak.

"Won't Xavier look for you?" wika ni Mayumi. Nakahiga siya sa kaniyang tagiliran nang suot-suot ang isang beauty mask at bonnet katulad ng kaniyang Auntie.

"Nope," tugon ni Auntie Leila nang pinapatunog ang 'p'. "I'm sure he doesn't mind."

Kumaluskos ang comforter noong umusad si Mayumi upang makahiga ang kaniyang Auntie Leila sa kaniyang tabi. Inayos naman ito ng kaniyang Auntie sa kaniyang mga balikat at diniretso pa ang mga lukot.

Pumikit sila at pinakinggan ang malumanay na wasiwas ng hangin at hugong mula sa centralized aircon at banayad na paghinga ng isa't isa.

Ngunit nanatili pa ring naghihintay si Mayumi na maging blangko ang kaniyang isip, katulad ng mga telebisyon na nagiging itim matapos gamitan ng remote.

"Auntie?" bulong ni Mayumi sa hangin.

Madilim, ngunit nakita niya ang kaniyang Auntie na tumango nang bahagya bago humugong. Nakapikit pa rin siya, ngunit hindi rin makatulog katulad niya.

"Why do you think girls drag each other down?"

Umawang ang talukap ng isang mata ni Auntie Leila at unti-unting lumingon sa gawi niya.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"What's with the grim question?"

"I just get this feeling that..." gumuhit si Mayumi ng iba't ibang hugis sa kaniyang unan habang iniisip ang tamang salita para rito. "One of the girls in my class is capable of doing so much, but she can't."

"And why can't she?"

"Because she's... scared." tumingin siya kay Auntie Leila, sigurado na ngayon. "She's scared."

Nalukot nang bahagya ang beauty mask na suot ng kaniyang Auntie.

May kakaibang hitsura ang kaniyang tingin at ngiti; mistula naaliw.

"Girls drag each other down when they are desperate to have something they can't or will never have." marahan na kumaluskos ang kutson noong humiga si Auntie Leila sa kaniyang tagiliran, ngayon nakikita na ni Mayumi ang kaniyang ngiti na mayroon nang kislap ng ngipin. "Desperate people do scary things when they want something."

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon