Chapter 38. United Nations Day

284 17 47
                                        

KASALUKUYAN...

"Good morning po, nandito po ba si Mrs. Macapagal?" bulong ni Mayumi.

"Narito!"

Mas i-strikto pa tingnan ang mga guro sa elementarya kaysa sa high school. Mataray ang kanilang mga mukha at dama niya ang talim ng kanilang tingin noong pumasok siya at lumapit sa table ni Mrs. Macapagal.

"Good morning po, ma'am."

Mukhang may edad na si Mrs. Macapagal na hinala ni Mayumi ay nasa singkwenta na. Maiksi ang kaniyang buhok na nakaistilo na parang pixie cut at nakasuot siya ng makapal na salamin na mayroon pang lubid sa magkabilang gilid.

Sabay-sabay na napatingin sa kaniya ang mga estudyante na nakaupo sa kaniyang harapan. Nasa tatlo na sila at mukhang siya na lamang pala ang kanilang hinihintay.

Kinuha ng isang estudyante ang kaniyang bag upang maging bakante ang isang upuan.

Napalunok si Mayumi.

"Thank you." bulong niya.

Hindi sumagot ang kaniyang katabi at nanatiling diretso ang tingin. Nakasimangot siya at mukhang seryoso.

'The younger levels look scary and unapproachable...' isip ni Mayumi at umupo sa kaniyang tabi nang mayroong pag-aalinlangan.

"Kumpleto na tayo." sabi ng guro at inayos ang kaniyang salamin. "Presidente o bise presidente kayo ng inyong mga klase, tama ba?"

Tumango sila.

"Ngayon, tinawag ko kayo sa meeting na ito upang malaman kung sino sa inyo ang puwedeng maging punong-abala para sa gaganapin na United Nations Day. Mayroon bang nais magpresinta?"

Walang kumibo sa kanila.

Kaya't tumango ang guro at isa-isang ipinasa sa kanila ang mga papel.

"Kung ganoon, magsimula na tayo sa demonstration. Mula sa pinakadulo, kaliwa papunta sa kanan."

Nanlaki ang mga mata ni Mayumi at napatitig siya sa tatlong pahina na dayalogo. Tumayo ang nasa pinakadulo sa kaliwa at narinig nila siya tumikhim.

Nakita niya kung paano tumigil ang ibang mga guro sa kanilang ginagawa upang panoorin at pakinggan sila.

"Start up activity-.. ay, mali." sabi niya at yumuko, biglang dinalaw ng hiya. Nanginig tuloy ang kaniyang boses. "L-Ladies and gentlemen, good day! Before we begin the program, let us all rise and seek for Divine intervention. May we call on the members of Theater Club for the doxology, and Ms. Angeline Jacinto to lead the opening prayer."

"Sige hija, maupo ka na. Sunod."

Nanginginig ang mga tuhod ni Mayumi noong tumayo siya. Parang mayroong malamig na pawis na pumapatak sa kaniyang noo at pilit niyang itinago ang kaniyang kaba sa mahigpit na paghawak sa papel.

Huminga siya nang malalim at nag-exhale.

"Ladies and gentlemen, good day!" sabi niya bago huminto nang panandalian. "Before we begin th-..the program, let us all rise and seek for Divine intervention."

Huminga siya nang malalim upang ikalma ang kaniyang sarili.

"May we call on the members of Theater Club for the doxology, and Ms. Angeline Jacinto to lead the opening prayer."

Huminto na si Mayumi upang umupo, ngunit nagsalita muli si Mrs. Macapagal.

"Ipagpatuloy mo pa ang pagbabasa." wika niya.

Tumango si Mayumi at nagsalita muli.

"Please remain standing for the National Anthem to be led by Sir. John Batungbakal, and the School Anthem led by Sir. Mark Escueta." huminto siya panandalian. "Thank you, Sir. John Batungbakal and Sir. Mark Escueta... You may now be seated."

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon