Nilagpasan ni Mayumi ang paradahan ng bisekleta, naninibago sa katahimikan na umaaligi sa kaniyang paligid; pati na sa kaniyang katabing upuan na nanatiling bakante kahit tumunog na ang bell.
"Good morniiiiing, Sir...." napahinto sila noong pumasok ang kanilang adviser. "Alvarez?"
"Good morning, class." tugon niya at sinenyasan sila na manatiling nakatayo. "I'm just here to announce na," huminto siya nang panandalian at tiningnan ang kaniyang mga naguguluhan na mukha. "Magkakaroon na tayo ng seating arrangement. At yes po, for the rest of the school year na ito."
Kaniya-kaniyang paraan ng pagdaing ang mga estudyante, halos mabali ang kanilang leeg sa pagtingala. Para silang mga bubuyog habang isinasating ang kanilang mga reklamo, kaya't inangat ni Sir. Alvarez ang kaniyang kamay upang tumigil sila.
"Napapansin kasi ng mga teachers niyo na mayro'n sa inyo ang na-iinfluence lately, at 'yung iba naman," tumingin siya sa may likod. "Ang nang-iinfluence sa iba. Nagkokopyahan tuwing quiz, seatwork. Nako. Alam niyo na kung sino-sino kayo." dismayadong wika niya pa.
"Si Carlos po, Sir." pang-inis pa ng isang estudyante kaya't siniko siya ng kaniyang kaibigan.
"--Kaya, since completers kayo, mabuti na ngayon pa lang ayusin na natin 'yan." Dinikit niya sa pisara ang isang manila paper. "Ito na 'yung bagong seating arrangement. Pakihanap na lang 'yung pangalan niyo."
Naka-abang na si Sir. Batungbakal sa may pintuan, kaya't pinasalamatan siya ni Sir. Alvarez bago sila tuluyang iwanan sa kaniyang katarayan.
Nakahalukipkip na nga ito at nakataas ang isang kilay.
"Narinig ninyo ang inyong guro."
Aligaga silang pumunta sa kanilang bagong upuan. Sa iksi ba naman ng pasensya ni Sir. Batungbakal ay hindi ito magdadalawang-isip na ipahiya ang maaabutan niyang nakatayo.
Sinipat ni Mayumi sina Chelsea at Franchesca. Nasa harapan na si Chelsea, habang nasa bandang gitna sa may kanan si Franchesca. Nagtagpo ang kanilang nalulumbay na tingin at napasimangot sa layo ng agwat nila sa isa't isa.
Nabalik naman ang atensyon ni Mayumi sa kanilang guro noong isa-isa nang tawagin ang kanilang apelyido. Nilagtawan niya ang apelyido ni Tala.
Itinuon na lamang ni Mayumi ang kaniyang atensyon sa kaniyang libro, imbes na sa unkomportableng katahimikan ng kaniyang mga bagong katabi. Mas lalo tuloy siyang naging awkward. Pakiramdam niya para siyang isiniksik sa isang garapon na kapos sa hangin, kaya't sumisikip ang kaniyang baga at nagiging pansinin ang lahat ng kaniyang kilos.
Hinahanap niya ang ingay nina Chelsea at Franchesca. Ang kanilang mga ibinubulong na mga kwento na kanilang naalala dahil sa isang usapin na nabanggit ng kanilang guro. Pangungunahan ito ni Chelsea at ibabahagi sa kaniya nang mayroong hagikgik o pagka-intriga;
Ang pagturo ni Franchesca sa kaniya ng mga panibagong teknik sa calligraphy;
At ang tahimik na presensya ni Tala sa kaniyang tabi, na mas lalong ipinadama ang kawalan nito ng mga nakaguhit na bituin sa kaniyang kwaderno. Maliit lamang ang mga ito at hindi halata. Nagtatago sa gilid ng pahina ng kaniyang mga notes at puntos sa quiz at seatworks na kaniyang iniwasto. Marahil pang-inis sana sa kaniya, ngunit hindi naman nagtagumpay; sapagkat binabakas ng kaniyang hinlalaki ang mga munting bituin na iniwanan sa kaniya.
Huminga si Mayumi, at inilipat ang pahina sa panibagong blankong papel. Tinatanaw sina Chelsea at Franchesca sa malayo kahit na nagsusulat na ang guro sa pisara.
_______
Hindi kaila kay Mayumi na mas inuna pa niyang dumiretso kela Chelsea at Franchesca pagsapit ng breaktime imbes na subukang kausapin ang kaniyang mga katabi.
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
