MGA KARAKTER...
Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi?
_______
ANG NILALAMAN...
Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
English, Filipino, at EsP. Itinatak niya sa kaniyang isipan na iyon ang mga kukuhanin niya na pagsusulit bukas. Ipinirmi niya ang kaniyang sarili na manatiling nakaupo sa kaniyang kama habang binabasa ang Ingles na salita.
Hindi ito komportable. Nagtatali ang kaniyang dila habang binibigkas ito, ngunit mas nakikipagtalo ang kaniyang kagustuhan na na maintindihan ito.
"Continuous, is an adjective that is existing without a break. C-o-n-t-i-n-u-o-u-s." sambit niya mula sa memorya.
Isinulat niya ito sa isang whiteboard, bago i-check and tamang spelling. Humubog ang isang ngiti sa kaniyang labi noong makita na tama ito.
Umusad si Tala palapit sa kaniyang whiteboard,
"Disdeyn, is a noun about the feeling of having a lack of respect towards someone or something. D-i-s-d-e-y-n."
Chineck niya ito.
Mali.
Disdain ang wasto na spelling.
Bumalik si Tala mula sa kauna-unahan ng listahan na kaniyang nire-recite.
Hindi na niya namalayan na dumidilim na ang kaniyang paligid hanggang sa hindi na niya mabasa ang kaniyang notes. Naglalaro na ang mga gamugamo sa grills ng kaniyang bintana, kaya't nagkukumahog siya na isara. Gumulong ang kaniyang whiteboard marker sa lapag sa kaniyang pagmamadali.
Yumuko siya upang abutin ito; ngunit lumamlam ang kaniyang pagtingin noong natunghayan niya ang mga libro sa ilalim ng kaniyang kama. Ang mga ito ay parang kastilo sa kapal at taas. Mayaman sa kaalaman na kinalimutan lamang upang mangolekta ng alikabok at kainin ng mga insekto.
Inabot niya ang libro na nasa pinakatuktok at kumapit sa kaniyang mga daliri ang kulay abo na alikabok. Mala-niyebe ang kapal nito na bumabalot sa balat ng libro, tinatakpan ang salita at totoong kulay nito.
Hinipan ito ni Tala at nabahing siya noong sumirko ang alikabok na parang alimpuyo.
Arithmetic Sequence and Series Word Problems with Solution
Tadtad ng mga bookmark ang gilid ng libro na sumisilip at kumakaway. Hinawakan niya ang isa at maingat na binuklat ito. Napangiti siya sa magulo at madiin na sulat-kamay na nakaukit dito. Halata ang pagkasabik at tuwa kaya't lumubog ang bawa't linya at kurba ng mga letra at numero.
Mayroong mga oras na nakatala sa gilid, animo ay isang record kung gaano niya kabilis na sinosolve ang bawa't pahina; kaya't habang inililipat niya ang pahina, nagiging saksi siya kung paano ito umiiksi nang umiiksi. Mula sa labing lima na minuto na pagsosolve, naging limang minuto na lamang ito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hinaplos niya ang huling pahina at dinama ang sulat-kamay na iniwan ng batang siya.
Mayroong ngiti sa labi ni Tala sa kabila ng kirot sa kaniyang dibdib, bagkus nararamdaman niya ang umaapaw na saya sa likod ng ng bawa't ukit ng mga salita at numero.