Chapter 202 | Hanson's Visitor

4 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 202 | Hanson's Visitor

KINABUKASAN

*VICTORINA MANSION*

NAGBE-BREAKFAST SINA DON MANOLO, ALEXANDRA, MANUEL AT ELIZABETH.

Manuel: Ang sabi ng mga katulong, umalis daw po si Leonor at nag iwan lang ng sulat.

Don Manolo: Nabanggit nga sa akin ni Manang Pablita. Pinatawagan ko na ang agency para makahanap sila ng kapalit ni Leonor. Si Brenda, hindi pa ba umuuwi?

Manuel: Hindi pa po pero dadaanan ko po siya mamaya sa ospital. Nakatulog naman daw po siya sa kwarto ni Cassandra doon. Siya nga po pala Papa, saan po kayo galing ni Elizabeth kagabi? Ang sabi kasi ni Manang Pablita nung umuwi kami ni Alexandra eh umalis daw po kayo at umalis din daw si Elizabeth?

NAGKATINGINAN SINA DON MANOLO AT ELIZABETH.

Don Manolo: May inasikaso lang ako kasama ko si Tony.

Elizabeth: Ako naman po nagpunta kay Tatay. Babalik na po kasi siya ng Baguio bukas kaya nagkita po kami.

Manuel: Akala ko magkasama kayong umalis ni Papa. Anyway, Alexandra sumabay ka na sa akin at ihahatid na kita sa school.

Alexandra: Sige po Daddy.

Manuel: Papa, mauna na po ako dahil dadaan pa po ako sa ospital pagkatapos kong ihatid si Alexandra sa school. Baka ma discharge na din si Cassandra today. I'll see you at the office.

Don Manolo: Okay.

TUMAYO NA SINA MANUEL AT ALEXANDRA.

Alexandra: Mauna na po kami Lolo (humalik kay Don Manolo). Elizabeth.

Elizabeth: Ingat Alex, Tito Manuel.

Don Manolo: Take care.

UMALIS NA SINA MANUEL AT ALEXANDRA.

Don Manolo: (Tumingin kay Elizabeth) Thank you for not mentioning what you have witnessed last night.

Elizabeth: Nag promise po ako sa inyo Lolo so I'll keep that kaya sana po tuparin niyo rin po ang promise niyo sa akin na papakawalan niyo na po si Mommy Minerva kahit hindi nalang po para sa akin kundi para na lang po kay Cassandra and for your own good din po.

HINDI NA SUMAGOT SI DON MANOLO.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*SA OSPITAL*

PAPASOK DOON SI MANUEL NANG MAKASALUBONG NIYA SI DENIS NA PALABAS NAMAN NG OSPITAL. NATIGILAN SIYA SA PAGLALAKAD NANG MAMUKHAAN SI DENIS.

Manuel: Mr. Coronel?

Denis: (Natigilan) Manuel Victorina, ikaw pala. What are you doing here?

Manuel: Ah dadalawin ko lang ang anak ko at susunduin ang asawa ko na nagbantay sa kanya. Ikaw? Dito pa talaga ulit tayo nagkita ha? Hehehe.

Denis: Ah Oo, may kinita lang kasi ako. So paano, I'll see you again very soon.

Manuel: Okay.

Denis: I'll go ahead.

UMALIS NA SI DENIS.
SINUNDAN SIYA NG TINGIN NI MANUEL TSAKA NAGLAKAD PAPASOK SA OSPITAL.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI CASSANDRA.
KAUSAP NI CASSANDRA SI BRENDA.

Brenda: Anak, alam mong hindi papayag ang lolo mo sa hiling mo. Gustuhin man kitang pagbigyan hindi naman ako ang masusunod eh.

Cassandra: Wala naman talaga kayong pakialam sa nararamdaman ko eh! That's why I want Tita Minerva! Kasi siya naiintindihan niya ako!

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon