Chapter 247 | Don Manolo's Birthday

2 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 247 | Don Manolo's Birthday

KINABUKASAN.

*VICTORINA MANSION*

ABALA NA ANG MGA KATULONG SA PAGHAHANDA SA GAGANAPING BIRTHDAY PARTY NI DON MANOLO MAMAYANG GABI.

Pablita: Leonor, nasabihan mo na ba sina Fely at Donisia na maglinis na sa garden tsaka 'yung pool.

Leonor: Oo naman Manang Pablita nasabihan ko na sila kaya relax ka nalang diyan.

Pablita: Naku madami pa tayong gagawin kaya hindi pwedeng mag relax.

Leonor: Oo nga pala hehehe.

Pablita: Parang kailan lang ano? Nung nakaraang kaarawan ni Don Manolo kasama pa natin sina Rosana at Ella dito pero ngayon tayo nalang ang natira at may mga bago nang katulong. Mabuti na nga lang at naisipan mong bumalik eh sa kabila ng mga nangyari.

Leonor: Eh syempre wala naman na 'yung mag inang demonyita sa mansion na ito eh hahaha. Mabuti na lang at nakakulong na sila kaya siguradong magiging masaya ang party ni Don Manolo mamayang gabi!

Pablita: Tama ka diyan!

MAYA MAYA AY MAY NAG DOOR BELL.
SUMILIP NAMAN ANG GUARD NA SI MANG NARDO.

Nardo: Sino po sila?

ISANG BABAE ANG SUMAGOT.

Veronica: Ako po 'yung in charge sa catering services para po sa birthday party ni Don Manolo Victorina.

MAY INABOT NA PAPEL SA GUARD.
BINASA NG GUARD.

Nardo: Ah sige po pasok na po kayo.

PINAGBUKSAN NI NARDO NG GATE SI VERONICA.

Veronica: Salamat po.

KASUNOD NIYA ANG ISANG VAN KUNG SAAN NAKASAKAY ANG MGA STAFF AT MGA GAMIT NG CATERING SERVICES.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
6PM

SA PRESINTO.

KAKATAPOS LANG RASYONAN NG HAPUNAN ANG MGA PRESO.

Elizabeth: Nakakasawa na talaga ang munggo at tinapa! Ilang buwan na akong nagtiya-tiyaga sa ganung ulam!

Minerva: Huwag kang mag alala anak dahil mamaya masarap ang kakainin natin sa birthday party ni Manolo! Hahahaha!

Elizabeth: Hmmm... Humanda sila sa atin Mommy, pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa atin!

Minerva: Papahirapan ko si Brenda, Manuel at Manolo!

Elizabeth: Ako naman ang bahala sa kambal!
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

NAKAHANDA NA ANG LAHAT PARA SA BIRTHDAY PARTY NI DON MANOLO.
NAGDARATINGAN NA ANG MGA BISITA.

KAUSAP NINA BRENDA AT MANUEL SINA TERESSA AT JOSEPH.

Brenda: Nabalitaan namin na ikakasal na pala kayo next year, congratulations to both of you.

Teressa: (Ngumiti) Salamat Brenda.

Manuel: Akalain mo nga naman na kayo pala ang magkakayuluyan hehehe.

Joseph: Huwag kayong mawawala ah? Dahil kukunin namin kayong principal sponsors hahahaha.

Manuel: Of course! Pamilya na rin namin kayo dahil alam naman natin na posibleng maging mag ba-balae tayong apat. Hahaha!

Teressa: Tama ka diyan Manuel! Pero matagal tagal pa naman 'yun.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon