Chapter 225 | The Mysterious Lady

0 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 225 | The Mysterious Lady

KINABUKASAN

*VICTORINA MANSION*

PAALIS NA SINA MANUEL, CASSANDRA AT ALEXANDRA. MAY KAUSAP SI MANUEL SA PHONE.

Manuel: Yes attorney, magkita tayo pagbalik ko sa Manila para pag usapan ang kasong isasampa ko laban sa asawa ko at sa lalake niya. Bye.

NAGKATINGINAN SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

*END CALL*

DUMATING SINA DON MANOLO AT ELIZABETH.

Don Manolo: Manuel...

Manuel: Papa, mauuna na po kami.

Don Manolo: Mag iingat kayo. Alexandra, Cassandra kayo na ang bahala sa daddy ninyo.

Alexandra: Opo Lolo.

Cassandra: Uhmmm Lolo, pasensiya na po kayo sa nangyari kahapon. I admit, mali po ako sa ginawa ko.

TUMINGIN SI CASSANDRA KAY ELIZABETH.

Cassandra: Elizabeth, sorry din kung napaghinalaan kita.

Elizabeth: No worries, Cass. Pero sana next time alamin mo muna ang totoo bago ka magbintang.

Cassandra: (Tumango) I will. Sorry ulit.

Don Manolo: Mabuti naman at inamin mo ang pagkakamali mo, apo.

Manuel: Ang mabuti pa, umalis na tayo at baka ma traffic pa tayo.

UMALIS NA ANG MAG A-AMA.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
NALAMAN NI LITO ANG TUNGKOL SA NANGYARI KINA CASSANDRA AT ELIZABETH. KAUSAP NIYA SINA SANTI AT EMILY.

Lito: Hindi magagawa ng anak ko ang sinasabi ng malditang Cassandra na 'yun!

Emily: Pero Uncle Lito, nadinig po nina Ernest at Vicky si Herra at sinabi niyang si Ate Elizabeth ang nag utos sa kanya at binabayaran siya nito.

Lito: Kilala niyo naman si Cassandra hindi ba? Sinungaling ang babaeng 'yun! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga ginawa niya.

Emily: Uncle Lito alam naman po namin 'yun pero hindi naman po magsisinungaling sina Ernest at Vicky eh.

Lito: At mas naniniwala ka pa sa Estong na 'yun at sa kaibigan ni Cassandra?

Emily: Pero Uncle Lito—

Santi: Emily, tama si Uncle Lito. Bakit naman gagawin ni Elizabeth 'yun kay Cassandra? Sa kanilang dalawa mas maniniwala pa talaga ako kay Elizabeth kesa sa Cassandra na 'yun. Okay let's say tama ang narinig nina Vicky at Ernest, pero hindi ibig sabihin totoo na ang sinasabi ng Herra na 'yun baka gusto lang niyang lalong masira si Cassandra at idinamay lang niya si Elizabeth. May motibo si Herra para gawin 'yun kay Cassandra pero si Elizabeth, wala.

HINDI NA SUMAGOT SI EMILY.

•••••••••••••••••••••••••••••
NAKIPAGKITA ULIT SI HANSON KAY HERRA SA ISANG COFFEE SHOP.

Hanson: Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Herra. Please be honest with me, kilala mo ba si Elizabeth? Inutusan ka ba niya at binayaran para siraan si Cassandra?

Herra: What? Saan mo naman narinig ang tsismis na 'yan?

Hanson: Just answer my question, Herra.

Herra: No. Hindi ko talaga kilala si Elizabeth.

Hanson: Narinig ka nina Vicky na sinasabi mo kay Megan na binabayaran ka ni Elizabeth para siraan si Cassandra.

Herra: And you believed them? Hanson, kilala nating lahat si Cassandra. She will do everything para may masisi sa mga kasalanan niya. Baka nga kinasabwat lang niya si Vicky eh para i-blame sa iba 'yung ginawa niya.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon