Chapter 208 | Do You Know Him?

2 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 208 | Do You Know Him?

*I HEART COFFEE*

KAKA OUT LANG NI ERNEST SA KANYANG TRABAHO. PINUNTAHAN SIYA DOON NI VICKY. NAPAG USAPAN NILA ANG TUNGKOL SA PAG AAWAY NINA SANTI AT CASSANDRA.
MAGKAUSAP SILA SA LABAS NG COFFEE SHOP.

Ernest: Hindi naman sa kinakampihan ko si Santi ah, pero may point naman kasi talaga siya eh.

Vicky: Pero siya pa rin ang nauna kaya na trigger tuloy si Cass.

Ernest: Pero si Cassandra pa rin ang unang nanakit at kahit saang anggulo mo tignan, mali talaga ang kaibigan mo.

Vicky: Edi kinakampihan mo nga si Santi kasi jinudge mo na agad si Cassandra eh.

Ernest: Ang sa akin lang alam mo namang si Cassandra 'yung mali diba kaya huwag mo na siyang ipagtanggol at kampihan.

Vicky: Ernest, kami na lang nina Phoebe at Yesha ang nakakaintindi sa kanya. Alam mo naman ang nangyari sa kanya last time diba? She almost killed herself kaya ayaw naming ipa-feel sa kanya na wala na siyang kakampi. Besides naniniwala pa rin kami na wala talagang ginawang kasalanan si Cassandra. Lahat tayo nakatulog nung time na 'yun kaya walang may alam sa totoong nangyari.

Ernest: Hay naku bahala ka nga kung talagang naniniwala ka sa kaibigan mo.

Vicky: Wait, galit ka ba?

Ernest: Hindi (medyo cold ang tono).

Vicky: Hindi pero ganyan ang tono mo!

Ernest: (Napabuntong hininga) Hindi ako galit Vicky.

Vicky: Edi hindi!

Ernest: Ikaw yata 'yung galit eh?

Vicky: Eh ikaw kasi eh!

Ernest: Anong ako?

NAPADAAN NAMAN SINA HERRA AT LANDER. GALING SILA SA ISANG MALAPIT NA COFFEE SHOP.
MAGKA HOLDING HANDS SILA HABANG NAGLALAKAD AT NAG UUSAP.
NAKITA SILA NI VICKY KAYA NAGTAKIP SIYA NG MUKHA.

Ernest: (Nagtaka) Bakit?

Vicky: Magtago tayo bilis!

HINATAK NI VICKY SI ERNEST SA GILID AT NAGTAGO SA LIKOD NG MGA HALAMAN.
SINILIP NI VICKY SINA HERRA AT LANDER.

Ernest: Bakit ba tayo nagtatago?

Vicky: Si Herra at Lander 'yun oh (itinuro kay Ernest).

Ernest: Eh ano naman ngayon?

Vicky: Hindi mo ba nakikita, magka holding hands sila tapos parang ang sweet sweet pa.

HUMINTO SINA HERRA AT LANDER SA ISANG TABI AT PUMARA NG TAXI.

Lander: So paano, magkita na lang tayo ulit bukas?

Herra: (Ngumiti) Sige.

HINALIKAN NI HERRA SI LANDER TSAKA SUMAKAY NG TAXI AT UMALIS NA.

UMALIS NA RIN SI LANDER.

Vicky: Sinasabi ko na nga ba eh. Tama ang hinala namin.

Ernest: Anong hinala?

Vicky: Na hindi totoong boyfriend na ni Herra si Hanson. I'm sure palabas lang nila 'yun para masaktan si Cassandra.

Ernest: Hindi ko naman masisisi si Hanson kung gumanti siya kay Cassandra eh.

Vicky: Ano ka ba Ernest?

Ernest: Sinasabi ko lang naman eh.

Vicky: Ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga!

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon