You're Mine
Chapter 250 | Fight*SA LUMANG BAHAY SA BINONDO*
DUMATING NA SINA ELIZABETH, MINERVA AT FROILAN.
Elizabeth: Nasaan na ang mga bihag natin?
Atong: Nasa isang kwarto po sa second floor!
Minerva: Hmmmm... Humanda sa akin ang Brenda na 'yan dahil uubusin ko ang buhay niya!
Elizabeth: Tayo na!
UMAKYAT SILA SA SECOND FLOOR KASAMA SINA FROILAN, ATONG AT VERONICA.
BINUKSAN NILA ANG KWARTO PERO NABIGLA SILA NANG MAKITANG WALA SINA BRENDA, CASSANDRA AT ALEXANDRA. TANGING MGA TALI LANG ANG NAKITA NILA.Elizabeth: ANO ITO? NASAAN ANG MGA BIHAG?!??
NAGTATAKA SINA VERONICA AT ATONG.
Veronica: Nandiyan lang po sila kanina eh.
Atong: Oo nga po. Bago po kami umalis wala pa po silang malay.
Minerva: MGA BOBO! EH NASAAN SILA???!!
SA LOOB NG APARADOR, PINIPIGILAN NG MAG IINA NA HUWAG GUMAWA NG KAHIT NA ANONG INGAY. TINATAKPAN NILA ANG KANILANG MGA BIBIG.
Froilan: Sabihan niyo ang mga tauhan na hanapin ang mag iina! Hindi pa nakakalayo ang mga 'yun!
Atong: Opo!
UMALIS SINA ATONG AT VERONICA.
Minerva: MGA BOBO DIN PALA ANG MGA TAUHAN MO FROILAN! NABIHAG NA NATIN SINA BRENDA PERO NATAKASAN PA DIN TAYO!
Elizabeth: HINDI SILA PWEDENG MAKATAKAS!
Froilan: Ako na po ang bahala, hahanapin ko din sila at dadalhin sa inyo.
UMALIS SI FROILAN.
NAGKATINGINAN SINA MINERVA AT ELIZABETH.Minerva: Sinasabi ko na nga ba, tatanga tanga din 'yang mga tauhan ni Froilan!
Elizabeth: Pwede ba? Shut up dahil hindi ka nakakatulong!
Minerva: Hoy! Mommy mo ako, huwag mo akong sinisigawan!
Elizabeth: As if namang sa'yo ako lumaki!
Minerva: Ako pa din ang nagluwal sa'yo kaya utang mo pa rin sa akin ang buhay mo!
Elizabeth: Bawi na ako sa'yo dahil tinulungan kita! Kaya wala na akong utang na loob sa'yo okay!??
Minerva: Pwede ba, huwag na tayong mag sumbatan! Magkakampi tayo dito hindi magkalaban! Kailangang mahanap natin ang mag iina dahil sila ang alas natin para mapapirma si Manolo at mailipat sa pangalan natin ang mga ari-arian ng nga Victorina!
SA LOOB NG CABINET.
TILA NASO-SUFFOCATE NA SI ALEXANDRA DAHIL MAINIT SA LOOB NG APARADOR AT MAALIKABOK.
Brenda: (Bumulong) Ayos ka lang ba Alexandra, anak?
Alexandra: (Bumulong) Nahihirapan po akong huminga.
Cassandra: (Bumulong) Konting tiis nalang Sis.
NAG ALALA SI BRENDA.
NAPATINGIN SI ELIZABETH SA APARADOR AT NATIGILAN.
Minerva: Bakit?
Elizabeth: Sssshhh... (Bumulong) Parang may naririnig ako.
NAPATINGIN SI MINERVA SA APARADOR.
LALAPITAN NI ELIZABETH ANG APARADOR.
••••••••••••••••••••••••••••••••
SAMANTALA...PAPUNTA NA ANG MGA PULIS SA LUGAR NA SINABI NINA BRUCE.
KASUNOD NILA ANG KOTSENG SINASAKYAN NINA MANUEL AT TONY.Tony: (Driving) Sir Manuel, sigurado po ba kayo dito? Masyado pong delikado eh, ipaubaya na po natin sa mga pulis ang lahat.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!