Chapter 239 | Rosana's Discovery

3 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 239 | Rosana's Discovery

*VICTORINA CORPORATION*

KAUSAP MULI NI ELIZABETH ANG BOARD MEMBERS AT ITINALAGA NA SIYANG ACTING NG CEO.

Elizabeth: Thank you all for trusting me. Ipinapangako ko po sa inyo na hinding hindi ko po kayo bibiguin lalong lalo na po si Lolo. I will make him very proud of me. Pero sana po bigyan niyo muna ako ng ilang araw para maipagluksa ang Tatay ko.

Mrs. Robles: Of course Miss Scott, alam naman namin na kakamatay lang ng biological father mo.

Mr. Han: Ang mahalaga ay nandito ka at humaharap sa amin at hindi mo pinapabayaan ang mga naiwang trabaho nina Don Manolo at Manuel.

Elizabeth: Umasa po kayo na hindi ko pababayaan ang kumpanya. Habang wala pa po sina Lolo at Tito Manuel, gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko.

MATAPOS ANG MEETING AY AGAD KINAUSAP NI ELIZABETH SINA CARLA, WENA AT DIGNA.

Elizabeth: Alam kong naging tapat kayong mga secretaries namin nina Lolo at Tito Manuel kaya hindi ko kayo papabayaan. Mula ngayon, bibigyan ko kayo ng mas mataas na posisyon sa kumpanyang ito.

NATUWA SINA CARLA, WENA AT DIGNA.

Carla: Talaga po Miss Elizabeth?

Wena: Naku, ang bait bait niyo po talaga!

Digna: Maraming salamat po Miss Elizabeth!

Elizabeth: Basta ipangako niyo sa akin na gagawin niyo ng maayos ang trabaho ninyo at magiging loyal kayo sa akin.

Carla: Oo naman po!

Wena: Makakaasa ka Miss Elizabeth!

Digna: Gagawin po namin lahat ng sabihin niyo!

Elizabeth: (Ngumiti) Salamat naman kung ganun. Mag hire na kayo ng mga secretary ninyo dahil mula bukas managers na kayo!

TUWANG TUWA SINA WENA, CARLA AT DIGNA.
•••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

HINDI PUMASOK SA SCHOOL SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA DAHIL PLANO NILANG DUMALAW SA OSPITAL AT PRESINTO.
KAUSAP NILA ANG KATULONG NA SI ROSANA.

Alexandra: Manang Rosana, kayo na po muna ang bahala dito ah? Kapag dumating po si Elizabeth pakisabi dinalaw lang namin sina Lolo at Mommy sa ospital.

Rosana: Sige po.

Cassandra: Siya nga po pala Manang Rosana, hindi pa po ba bumabalik si Ate Leonora?

Rosana: Eh hindi pa po Ma'am Cassandra eh.

Cassandra: Ano kayang sasabihin niya sa akin? Kailangan ko siyang makausap para malaman ko kung ano 'yung gusto niyang sabihin sa akin.

Rosana: Eh Ma'am, tuloy pa din po ba 'yung inuutos niyo sa akin na manmanan ko si Ma'am Elizabeth?

Cassandra: (Umiling) Huwag na muna sa ngayon dahil alam naman natin na may pinagdadaanan siya.

Rosana: Sige po.

Alexandra: Mauna na po kami.

UMALIS NA SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon