Chapter 227 | Luke's Plan

3 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 227 | Luke's Plan

KINABUKASAN

*SA OSPITAL*

NAGISING SI DON MANOLO AT NAKITA NIYA SI ELIZABETH NA NATUTULOG SA ISANG UPUAN.

Don Manolo: Elizabeth, apo...

NAGISING SI ELIZABETH AT LUMAPIT SA KAMA NI DON MANOLO.

Elizabeth: Lolo, mabuti at gising na po kayo. Kamusta ang pakiramdam ninyo? May masakit po ba sa inyo?

Don Manolo: I'm okay apo. Salamat at nandito ka sa tabi ko. Sina Manuel, alam na ba nila ang nangyari sa akin?

Elizabeth: (Umiling) Hindi ko pa po ipinapaalam sa kanila Lolo dahil ayoko naman pong mag alala si Tito Manuel.

Don Manolo: Tama 'yun, huwag mo na lang ipaalam sa kanila ang nangyari dahil ayos naman na ako.

Elizabeth: Lolo, nakita niyo po ba kung sino ang gumawa sa inyo nito? Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila!

Don Manolo: (Umiling) Hindi ko sila nakilala dahil nakasuot sila ng helmet pero narinig ko ang sinabi ng isa sa kanila, mga dati daw natin silang empleyado na tinanggal sa trabaho.

Elizabeth: Oh my God. Ang lakas ng loob nilang gawin ito! Kapag nalaman ko kung sino sila lolo, ipapakulong ko sila!

Don Manolo: Si Tony, na kontak mo ba siya?

Elizabeth: Nagri-ring lang po ang phone niya Lolo pero nasabihan ko na po ang mga katulong sa bahay na kapag pumunta dun si Tony eh kontakin agad niya ako.

Don Manolo: Sabihin mo sa Doktor ko, gusto ko nang ma-discharge agad.

Elizabeth: Sigurado po ba kayo Lolo?

Don Manolo: Oo. Maayos na ang pakiramdam ko. Ayokong magtagal dito sa ospital.

Elizabeth: Sige po Lolo, kung 'yan ang gusto niyo.
••••••••••••••••••••••••••
*SA TAGAYTAY*

KAUSAP NI CASSANDRA SI ROSANA.

Rosana: Eh hindi po umuwi ng mansion ang Lolo ninyo. Si Ma'am Elizabeth naman po umuwi kagabi kasama si Nurse Regina galing ospital. Pina check up po kasi nila si Ma'am Minerva eh tapos nagbilin lang po si Ma'am Elizabeth na kapag dumating si Sir Tony eh tawagan siya agad.

Cassandra: (Napaisip) So bakit hindi daw umuwi si Lolo? Wala ba siyang nabanggit?

Rosana: Wala naman po Ma'am pero umalis po ulit siya kaninang madaling araw eh at hanggang ngayon eh hindi pa po bumabalik.

Cassandra: Sige, balitaan mo ako kapag umuwi na si Lolo at Elizabeth.

Rosana: Sige po.

Cassandra: Anyway, wala bang ibang nangyari diyan bukod dun?

Rosana: Naku Ma'am nakita ko po si Leonor kahapon sa tapat ng mansion at ang sabi niya eh inaabangan daw po niya kayo dahil may kailangan daw po kayong malaman tungkol kay Ma'am Elizabeth.

NATIGILAN SI CASSANDRA.

Cassandra: Ano daw 'yun?

Rosana: Hindi na po niya nabanggit eh dahil nagmadali na siyang umalis nung narinig ang boses ni Ma'am Elizabeth. Natakot po siguro.

Cassandra: Kailangan kong makausap si Manang Leonor. Wala ka bang number niya?

Rosana: Naku wala po eh. Hayaan ninyo itatanong ko po kay Manang Pablita o kaya kay Ella.

Cassandra: Sige salamat Manang Rosana basta balitaan mo ako agad ha?

Rosana: Sige po Ma'am.

*END CALL*
••••••••••••••••••••••••••
TINAWAGAN NI CASSANDRA SI DON MANOLO.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon