You're Mine
Chapter 228 | HopeSA REST HOUSE NI ELIZABETH (KUNG SAAN DINALA SI BRENDA).
DUMATING SI DENIS.
Lucio: Oh bakit ngayon ka lang bumalik?
Denis: Ah wala kasing bantay si Ate sa ospital kaya sinamahan ko muna siya. Sina Ma'am Minerva?
Lucio: Umalis na din agad kagabi. Siya nga pala pinapasabi niya na tapos na daw ang trabaho mo at pwede ka nang magpaka layu-layo kapag naibigay na niya sa'yo ang bayad mo.
NATIGILAN SI DENIS.
Denis: Ano? Akala ko ba papatayin pa natin si Don Manolo?
Lucio: Huwag kang mag alala dahil planado na nila 'yun kaya kami na ang bahala dun.
Denis: Kung 'yun ang gusto ni Ma'am Minerva wala naman akong magagawa. Siya nga pala ano namang plano niyo dun kay Brenda?
Lucio: Ang sabi ni Ma'am Minerva ihuhuli namin siyang patayin.
TILA NAPAISIP SI DENIS.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*NAKAUWI NA SI DON MANOLO.
KAUSAP NIYA ANG MGA KATULONG.Don Manolo: Wala munang magsasabi sa Sir Manuel ninyo ang tungkol sa nangyari sa akin maliwanag? Ayokong mag alala siya dahil nasa bakasyon sila ng mga apo ko. Naiintindihan niyo ba?
Maids: Opo Don Manolo.
MAYA MAYA AY DUMATING SINA MANUEL, CASSANDRA AT ALEXANDRA.
Manuel: Alam na namin ang nangyari sa inyo Papa.
NATIGILAN SI DON MANOLO AT NAPALINGON KINA MANUEL.
Don Manolo: Manuel anak, anong ginagawa ninyo dito? Hindi ba't nasa bakasyon pa kayo?
Manuel: Nagmadali po talaga kaming umuwi ng mga anak ko nung malaman namin na nasa ospital pala kayo. May nakakita po sa inyo na kaibigan ko sa ospital at tinawagan niya ako kaya nalaman ko ang nangyari.
HINDI NA NAKAPAGSALITA SI DON MANOLO.
Cassandra: Lolo, why did you lie to me? Kausap ko lang po kayo kanina sa phone kasi according to Manang Rosana, hindi po kayo umuwi kagabi kaya nag worry po ako. Sabi niyo you're okay tapos malalaman po namin na na ospital po pala kayo?
Alexandra: Lolo, ano po bang nangyari? Bakit po kayo na ospital?
Manuel: Papa, please tell us kung ano talagang nangyari.
WALA NANG NAGAWA SI DON MANOLO KUNDI ANG SABIHIN ANG MGA NANGYARI.
Manuel: Ano? Papa bakit lumabas ka agad sa ospital? Sigurado po ba kayong ayos na kayo?
Don Manolo: Huwag na kayong mag alala anak, ayos na ako. Ang sabi ng doktor hindi malala ang sugat ko. Salamat kay Elizabeth dahil dumating siya agad kaya nadala nila ako agad sa ospital.
Cassandra: (Napaisip) Lolo, are you sure mga dating empleyado niyo po ang gumawa sa inyo nito?
Don Manolo: Narinig ko ang isa sa kanila.
Alexandra: Lolo maybe next time dapat magsama na po kayo ng mas maraming body guards.
Don Manolo: Nakausap ko na si Tony at siya na ang bahala dun.
DUMATING NAMAN SI TONY.
Tony: Don Manolo.
Manuel: Tony, bakit hinayaan mong umalis si Papa na walang ibang kasamang body guards bukod kay Danilo? Paano kung may masamang nangyari sa kanya?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!