You're Mine
Chapter 207 | Santi VS Cassandra*VICTORINA MANSION*
GARDEN
KINAKAUSAP NI CASSANDRA SI MINERVA KAHIT NA KUNG ANO ANO ANG SINASABI NITO.
Cassandra: Tita Minerva, kahit hindi mo naiintindihan ng sinasabi ko, gusto ko lang malaman mo na sobrang na-miss kita. Ikaw lang kasi ang naging kakampi ko at yung nagmahal sa akin ng totoo. Tita sana gumaling ka na para maipagtanggol mo ulit ako.
Minerva: (Tumatawa) Hahahaha! Marami akong pera, hindi ako maiinis. Alam mo nakita ko yung lalake may gusto sa iyo tsaka masarap 'yung ulam ko kanina. Hahahaha! Alam mo ba I am the queen of the world! Hahahaha! Well, the problem with this company is the employees who don't take their jobs seriously! We need a good leader! Eh sabi naman ni Ma'am wala naman daw tayong assignment diba? Nagugutom na ako. Nagugutom ako pengeng pagkain! Nasaan na ba 'yun?
TUMAYO SI MINERVA AT NAGLAKAD.
SINUNDAN SIYA NG MGA NURSE AT BODY GUARDS.Cassandra: Tita Minerva...
LUMAPIT SI ELIZABETH.
Elizabeth: Cass, pabayaan mo na muna ang mga nurse na asikasuhin si Mommy Minerva. Baka kailangan na din niyang magpahinga.
Cassandra: Elizabeth, gagaling pa ba si Tita Minerva?
Elizabeth: Hindi ko masasagot 'yan. Let's just hope for the better.
Cassandra: Nami-miss ko na talaga siya Elizabeth. Gusto ko na siyang bumalik sa dati para maipagtanggol na niya ako ulit at para maramdaman ko ulit 'yung pagmamahal niya.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
KAUSAP NI DON MANOLO SI NURSE ED SA LABAS NG KWARTO NI MINERVA.Don Manolo: Ituloy niyo lang ang pagpapainom sa kanya ng gamot para hindi na siya bumalik sa katinuan niya.
Nurse Ed: Huwag po kayong mag alala Don Manolo, gagawin po namin 'yan.
NAKIKINIG NAMAN SI ELLA.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
*ONE WEEK LATER*VICTORINA CORPORATION.
KAKATAPOS LANG MAG PIRMAHAN NG KONTRATA NINA DON MANOLO, MANUEL, ELIZABETH AT DENIS.
Don Manolo: Thank you for trusting us Denis.
Denis: (Ngumiti) I know I made the right decision.
Manuel: Oo naman kaya ngayon pa lang kino-congratulate na kita, Mr. Coronel.
Denis: Thank you, Manuel.
Elizabeth: Mr. Coronel, I'm happy that finally business partner ka na po namin.
Denis: Masaya din ako.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*PUMASOK NA SI CASSANDRA. KASAMA NIYA SINA VICKY, PHOEBE AT YESHA.
Phoebe: You know what Cass, hindi din kami makapaniwala na boyfriend na ni Herra si Hanson. I mean, ang bilis naman yata diba? Na ospital lang siya tapos sila na agad?
Yesha: True! Something is really fishy. Maybe gusto ka lang gantihan ni Hanson dahil iniisip niya na niloko mo ulit siya.
Cassandra: Tama kayo dahil imposibleng maging sila agad at sigurado ako na pakana lang lahat ito ni Herra.
Vicky: I'm wondering, bakit niya kaya ito ginagawa sa'yo? Dahil lang ba ipinahiya mo siya sa isang bar noon? Ang tagal na nun eh diba?
Cassandra: 'Yun din ang hindi ko maintindihan eh. Bakit grabe ang galit niya sa akin at nagawa pa niyang sirain ako ng ganito?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!