Chapter 237 | Take Over

4 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 237 | Take Over

AGAD DINALA SA OSPITAL SI DON MANOLO AT AYON SA DOCTOR AY INATAKE ITO SA PUSO AT NA-STROKE.
ALALANG ALALA SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

Elizabeth: This is all your fault Cassandra! Kung hindi mo ako inaway hindi sana aatakihin sa puso si Lolo! Wala ka na talagang ginawang maganda sa pamilyang ito!

Cassandra: Ako pa ang may kasalanan? Kung hindi ka dumating sa buhay namin tahimik na sana kami ngayon!

Elizabeth: Tahimik? Bakit, ikaw naman talaga ang laging problema ng pamilyang ito diba? Dahil sa kasamaan ng ugali mo!

Alexandra: Tama na nga kayong dalawa! Ang dami dami na nating problema! Si Daddy nakakulong si Mommy comatose at ngayon si Lolo na stroke! Huwag na tayong magsisihan pwede ba?

UMIIYAK SI ALEXANDRA.

Elizabeth: Pasensiya ka na Alex. 'Yang kambal mo kasi eh.

Cassandra: Umalis ka na dito Elizabeth, hindi ka namin kailangan!

Elizabeth: Hindi ko iiwan si Lolo. Dito lang ako!

Alexandra: Cass, hayaan na natin si Elizabeth dito. Apo din naman siya ni Lolo eh.

Cassandra: Whatever!

INIRAPAN NI CASSANDRA SI ELIZABETH.

MAYA MAYA AY NAG RING ANG PHONE NI ELIZABETH.

Elizabeth: Hello, yes ako nga po si Elizabeth anak po ako ni Lito Dimagiba. Bakit po? WHAT???!!!

NAPATINGIN SA KANYA SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

BIGLANG TUMULO ANG LUHA NI ELIZABETH AT NANGHINA ANG TUHOD KAYA NAPAUPO ITO.

Alexandra: Elizabeth, bakit? Okay ka lang ba?

Cassandra: Anong drama 'yan?

NAG UMPISA NANG UMIYAK SI ELIZABETH.

Elizabeth: Hindi! Hindi pwede! Hindi!!!!

Alexandra: Elizabeth, anong problema?

Elizabeth: Hindi patay si Tatay Lito! Hindi!!!

Alexandra: Ano kamo?

NATIGILAN SI CASSANDRA.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
*KINABUKASAN*

NEWS FLASH

Reporter Kara: Isang lalake ang natagpuang patay sa isang liblib na lugar sa Antipolo. Hinala ng mga pulis ay biktima ito ng holdap. Sa ngayon ay nasa morgue na ang katawan nito at naipaalam na rin sa mga kaanak ng biktima ang sinapit nito. Para sa GMI NEWS ako po si Kara Romero.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA MORGUE KUNG SAAN DINALA SI LITO.
NANDOON SINA ELIZABETH, FREDA AT REMEDIOS.

NAKATAKLOB NG PUTING KUMOT ANG KATAWAN NI LITO AT DAHAN DAHANG LUMAPIT SI ELIZABETH DITO AT TINANGGAL ANG KUMOT.

NAPALUHA SINA FREDA AT REMEDIOS NG MAKUMPIRMANG SI LITO NGA ITO.

Elizabeth: (Umiyak) TAY!!!!!

Remedios: Diyos ko Lito!!!

Freda: (Umiiyak) Kuya Lito!!!

NAGYAKAPAN SINA REMEDIOS AT FREDA.

Elizabeth: TATAY!!! BAKIT??? BAKIT NANGYARI SA'YO ITO!!!?? TATAY!!!!
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
*SA PRESINTO*

KAUSAP NI TONY SI SPO1 LUCERO.

Spo1 Lucero: Nung dumating kami sa lugar na sinabi mo, wala na kaming naabutan doon. Malamang nakatunog na ang mga 'yun kaya tumakas na pero nag iimbestiga pa rin kami sa lugar na 'yun dahil ang sabi mo may nakita kang lalake na tila patay na?

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon