You're Mine
Chapter 212 | Worried*VICTORINA MANSION*
KAUSAP NI MANUEL SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.
Alexandra: Po? Wala po ang mga gamit ni Mommy sa kwarto ninyo?
Manuel: Oo.
Cassandra: Nag away po ba kayo or may naging tampuhan?
Manuel: (Umiling) Wala akong matandaang naging away namin ng Mommy ninyo.
Alexandra: Pero imposible pong umalis siya Daddy. Bakit naman po niya gagawin 'yun? Ang sabi po ng driver pupuntahan daw po niya dapat kayo sa opisina ninyo. Baka po may nangyari nang masama sa kanya?
HINDI NA NAGSALITA SI MANUEL.
TILA NAG ALALA DIN SI CASSANDRA.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.
KAUSAP NILA SI LOLA REMEDIOS.Remedios: Imposible namang umalis ang Auntie Brenda ng ganun ganun na lang. Sigurado akong may dahilan siya.
Santi: Nakakapagtaka nga po eh. Ang sabi po ni Alex nakita daw po ni Cassandra si Auntie Brenda na sumakay sa isang kotse tapos hindi na daw po umuwi.
Emily: Saan kaya pumunta si Auntie Brenda? Hindi kaya nag away sila ni Sir Manuel?
Remedios: Pero hindi naman siya aalis ng hindi man lang nagsasabi sa mga anak niya lalo na kay Alexandra.
Santi: Tama po kayo Lola Rems. Parang may mali po eh.
NAPAISIP SILANG LAHAT.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*KAUSAP NI DON MANOLO SI MANUEL SA KWARTO NITO.
Don Manolo: Saan naman pupunta ang asawa mo?
Manuel: Yun po ang hindi ko alam Papa. Nag aalala na din po ako dahil wala din siyang dalang cellphone kaya paano ko siya mako-contact?
Don Manolo: Kapag hindi siya pa umuwi ngayong gabi, i-report na natin ito sa mga Pulis. Sa ngayon maghintay nalang muna tayo.
Manuel: Pero Papa hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakikita o nakakausap si Brenda.
AALIS SI MANUEL.
Don Manolo: Saan ka pupunta?
Manuel: Hahanapin ko po ang asawa ko.
HINDI NA NAPIGILAN NI DON MANOLO SI MANUEL.
NAKASALUBONG NI ALEXANDRA SI MANUEL NANG LUMABAS ITO SA KWARTO NI DON MANOLO.Alexandra: Dad, saan po kayo pupunta?
Manuel: Hahanapin ko ang Mommy niyo.
Alexandra: Sasama po ako!
TINAWAGAN NAMAN NI DON MANOLO SI TONY UPANG UTUSAN ITONG HANAPIN SI BRENDA.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI ELIZABETH KAUSAP NIYA SI ELLA.Ella: Ang buong akala po talaga nila eh naglayas na po si Ma'am Brenda.
Elizabeth: Magaling ang ginawa mo Ella. Ngayon, kailangan ko nalang itago sa malayong lugar ang mga gamit ni Tita Brenda.
TINIGNAN NIYA ANG MALETANG PAG AARI NI BRENDA.
Ella: Eh Ma'am Elizabeth, nasaan po ba talaga si Ma'am Brenda?
Elizabeth: Kasama na niya ang kabit niya.
Ella: Po?
KUMUHA NG PERA SI ELIZABETH SA BAG NIYA AT IBINIGAY KAY ELLA.
Elizabeth: Oh, eto ang bayad ko sa ginawa mo. Dinagdagan ko na 'yan.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
No FicciónHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!