Chapter 210 | The Big Evil Plan

1 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 210 | The Big Evil Plan

*VICTORINA MANSION*

KAKARATING LANG NI CASSANDRA.
MUGTO ANG KANYANG MGA MATA AT HALATANG KAKAGALING LANG SA PAG IYAK.
NAKASALUBONG NIYA SI ALEXANDRA.

Alexandra: Cassandra, umiiyak ka ba?

PERO HINDI SIYA PINANSIN NI CASSANDRA AT DIRE DIRETSO LANG ITO PAAKYAT NG HAGDAN.
NAPABUNTONG HININGA SI ALEXANDRA.
•••••••••••••••••••••••••••
DUMIRETSO SI CASSANDRA SA KWARTO NI MINERVA. NADATNAN NIYA SI MINERVA NA TULALA AT NAKANGITI.

Cassandra: (Umiiyak) Tita Minerva...

NILAPITAN NI CASSANDRA SI MINERVA AT NIYAKAP NIYA ITO TSAKA LALONG HUMAGULGOL NG IYAK.
TILA WALA NAMANG EMOSYON SI MINERVA.

Cassandra: I hate them! I hate Hanson! I hate Herra! I hate Alexandra! I hate all of them!!! Tita Minerva, please bumalik ka na sa dati para magkaroon na ako ng kakampi. Para may magtatanggol na ulit sa akin! Tita, I'll do everything para gumaling ka na and I promise ipaglalaban kita kina Lolo at Daddy! Huhuhuhu...
••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*

KAUSAP NI DON MANOLO SI ELIZABETH.

Elizabeth: Nakausap ko na po 'yung nurse na nirekomenda ng kakilala ko at mula po bukas siya na po ang mag aalaga at magbabantay kay Mommy Minerva. Don't worry lolo, I'll make sure na hindi magiging problema si Mommy Minerva. Sasabihan ko 'yung nurse na bantayan siyang mabuti para hindi siya mag cause ng kahit na anong problema.

Don Manolo: (Napabuntong hininga) Ikaw na ang bahala, Elizabeth.

Elizabeth: I'm sorry Lolo if I had to do this. Ayoko lang na makagawa kayo ng masama kaya please understand me.

Don Manolo: Naiintindihan naman kita, apo pero hindi lang mawawala sa akin ang mag alala.

Elizabeth: Don't worry lolo, ako po ang bahala kay Mommy Minerva. Siya nga po pala, pupunta po ako ng Baguio this weekend para dalawin si Itay.

Don Manolo: Okay.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

NAKAUWI NA SI MANUEL AT NASABI NA RIN NIYA KAY BRENDA ANG TUNGKOL SA NAPAG USAPAN NILA NI DENIS.

Brenda: Talaga? Kaibigan siya ni Alfonso? Pero wala naman akong natatandaang may kaibigan si Alfonso na Denis ang pangalan.

Manuel: Well ang sabi niya hindi mo nga siya kilala so I guess hindi mo pa siya na meet noon.

Brenda: Siguro nga.

Manuel: Nasaan nga pala ang mga bata?

Brenda: Si Alexandra nasa kwarto niya. Si Cassandra naman nasa kwarto daw ni Minerva ang sabi ng katulong.

Manuel: Ano? Bakit nandun siya?

Brenda: Hayaan na natin, Manuel. Baka lalo lang sumama ang loob ni Cassandra sa atin kapag pinigilan pa natin siya sa mga gusto niyang gawin. Baka mag rebelde pa siya sa atin.

Manuel: Paano kung may gawin si Ate Minerva sa kanya?

Brenda: Manuel, kanina pa si Cassandra doon kaya kung may gagawin man si Minerva sa kanya dapat kanina pa hindi ba? Wala sa katinuan si Minerva pero kalmado naman siya at hindi nagiging bayolente.

Manuel: Kahit na. Dapat may bantay pa rin si Ate Minerva.

DUMATING SI ELIZABETH.

Elizabeth: Don't worry po Tito Manuel, may magbabantay na po kay Mommy Minerva bukas. May nakausap na po akong private nurse at alam na din po ito ni Lolo.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon