Chapter 220 | Brenda's Prayer

1 1 0
                                    

You're Mine
Chapter 220 | Brenda's Prayer

LUMABAS SINA VICKY AT ERNEST SA RESTAURANT KUNG SAAN NILA NAKITA SINA HERRA AT MEGAN.

Ernest: Bakit ka nagyayang umalis?

Vicky: Dahil baka makita tayo nina Herra.

Ernest: Eh ano naman kung makita nila tayo?

Vicky: Ernest, hindi nila dapat malaman na narinig natin ang pinag uusapan nila.

NAPAISIP SI VICKY.

Vicky: Bakit kaya inutusan ni Elizabeth si Herra na siraan si Cassandra? 'Yung nangyari kaya sa party niya 'yung tinutukoy niya? So all this time tama ang hinala ni Cassandra na si Herra nga ang may pakana nun dahil inutusan siya ni Elizabeth?

Ernest: Eh bakit naman gagawin ni Elizabeth 'yun? Ang bait bait kaya niya.

Vicky: I'm not sure pero ang alam ko lang may galit si Elizabeth kay Cassandra noon nung hindi pa nila alam na mag pinsan sila pero okay na sila eh kasi tinulungan pa nga ni Elizabeth si Cassandra noon nung na kidnap siya.

LALONG NAGULUHAN SI VICKY.

Vicky: Kailangang malaman ni Cassandra ito.

TINAWAGAN NIYA SI CASSANDRA.

•••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

KAKAUWI LANG NI CASSANDRA.
NAG RING ANG PHONE NIYA—SI VICKY ANG TUMATAWAG.

Cassandra: (Sinagot) Hello, Vicky napatawag ka?

Vicky: (Kabilang linya) Cass, may kailangan kang malaman. May narinig kami ni Ernest kanina dito sa restaurant na pinuntahan namin.

Cassandra: (Nagtataka) Ano 'yun?

Vicky: Nandito din kasi sina Herra at Megan at narinig namin ni Ernest ang mga sinabi ni Herra kay Megan.

Cassandra: So ano nga 'yung narinig niyo?

Vicky: Inutusan si Herra ni Elizabeth na siraan ka.

DUMATING SI ELIZABETH AT TINAWAG SI CASSANDRA KAYA HINDI NIYA NARINIG ANG SINABI NI VICKY.

Elizabeth: Cassandra, can we talk?

NARINIG NI VICKY ANG BOSES NI ELIZABETH SA BACKGROUND KAYA NATIGILAN SIYA.

Cassandra: Vicky, mamaya na lang ha? Mag uusap lang kami ni Elizabeth. Bye!

*END CALL*

Vicky: Hello, Cass?

Ernest: Oh bakit?

Vicky: Ibinaba eh. Mag uusap daw sila ni Elizabeth. Hindi kaya nakita tayo nina Herra at nasabi na niya kay ni Elizabeth?

Ernest: Hindi naman siguro.

Vicky: Kailangang malaman ni Cassandra ang mga narinig natin.

Ernest: Edi i-chat mo nalang siya.

Vicky: Sige.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
MAGKAUSAP SINA ELİZABETH AT CASSANDRA.

Elizabeth: I think kailangang niyo munang mag bakasayong mag aama para naman makalimot kahit papaano si Tito Manuel. I'm sure sila ni Alex ang sobrang naapektuhan sa ginawa ng mommy niyo.

Cassandra: You're right. Makakatulong kay daddy kung magbabakasyon muna kami tutal naman long weekend na siguro pwede kaming mag staycation somewhere in Tagaytay.

Elizabeth: Yeah, ako na ang bahalang mag book ng hotel accommodation ninyo. Nakausap ko na din si Lolo about this and sinabi niya na magandamg idea nga daw 'yun. Ikaw nalang ang bahalang magsabi kay Alex okay?

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon