You're Mine
Chapter 213 | Denis' PastKINABUKASAN
*VICTORINA MANSION*
MAAGANG UMALIS SINA DON MANOLO AT ELIZABETH PAPUNTA SA OPISINA.
HALOS HINDI NAMAN NAKATULOG ANG MAG AAMA SA PAG AALALA SA BIGLAANG PAGKAWALA NI BRENDA.
PINUNTAHAN NI LUKE SI ALEXANDRA SA MANSION.
Luke: Kamusta, hindi pa rin ba nagpaparamdam ang Mommy niyo?
Alexandra: (Umiling) Hindi pa eh. Nag aalala na talaga ako kay Mommy.
Luke: Eh bakit hindi niyo pa inirereport sa mga pulis?
Alexandra: Mamaya daw pupunta kami nina Daddy sa presinto para mag report.
Luke: Huwag kang mag alala, I'm sure okay lang ang Mommy niyo.
Alexandra: Sana nga Luke kasi hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama kay Mommy.
*SA KWARTO NI CASSANDRA*
KA VIDEO CALL NIYA SINA VICKY, PHOEBE AT YESHA.
Vicky: OMG, sana naman okay lang ang Mommy niyo.
Phoebe: Oo nga.
Yesha: Wala ba talaga kayong idea kung saan siya nagpunta?
Cassandra: Wala. Basta ang alam ko lang nakita ko siyang sumakay sa isang kotse. Parang nagmamadali pa nga eh tapos hindi na siya umuwi kagabi kaya we're all worried about her.
Phoebe: Ni-report niyo na ba sa mga pulis na nawawala ang Mommy niyo?
Cassandra: Not yet pero I think pupunta sina Daddy mamaya sa presinto.
Vicky: I hope mahanap niyo ang Mommy niyo as soon as possible.
Cassandra: Thank you, girls.
•••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*MAGKAUSAP SINA DON MANOLO AT ELIZABETH.
Elizabeth: Ang sabi po ni Miss Sophie nakausap na daw po niya 'yung mga nag welga kahapon and pumayag po silang makipag areglo.
Don Manolo: Mabuti naman kung ganun.
MAYA MAYA AY DUMATING ANG SECRETARY NI DON MANOLO.
Digna: Don Manolo, Miss Elizabeth, nasa labas po si Mr. Coronel.
NAGKATINGINAN SINA ELİZABETH AT DON MANOLO.
ANG SUMUNOD NA NANGYAR AY KAUSAP NA NILA SI DENIS SA OPISINA NI DON MANOLO.
Denis: Hindi na magbabago ang isip ko, I want my money back! Wala na akong tiwala sa kumpanyang ito.
Elizabeth: Pero Mr. Coronel, hindi madali ang gusto mong mangyari.
Denis: Ano bang mahirap dun? Don Manolo can just sign the check para mabalik na sa akin ang pera ko! Kung hindi niyo gagawin 'yan mapipilitan akong ilabas sa media ito at lalong mae-eskandalo ang kumpanya ninyo!
Elizabeth: Mr. Coronel please...
Don Manolo: Fine!
NATIGILAN SI ELIZABETH AT TUMINGIN KAY DON MANOLO.
Elizabeth: Lolo?
Don Manolo: Sampung milyon lang 'yan! Hindi 'yan makakaapekto sa kumpanya natin. Kung wala siyang tiwala sa Victorina Corporation he can have his money back!
KINUHA NI DON MANOLO ANG KANYANG MANAGER'S CHECK AT SINULATAN NG AMOUNT TSAKA PINIRMAHAN AT IBINIGAY KAY DENIS.
Don Manolo: Makakaalis ka na!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!