You're Mine
Chapter 215 | The Real EnemiesSA BAHAY NINA SANTI.
MAGKAKAUSAP SINA REMEDIOS, LITO AT FREDA.
Remedios: Nasaan na nga kaya si Brenda? Ayoko mang isipin na baka may masamang nangyari na sa kanya eh hindi pa rin mawala sa isip ko na paano kung ganoon na nga ang nangyari? Hindi naman kasi gagawin ni Brenda na basta nalang umalis ng wala man lang paalam sa mga anak niya lalo na kay Alexandra.
Freda: Tama po kayo Auntie Remedios. Alam naman natin kung gaano kamahal ni Brenda ang pamilya niya eh pero nasaan na nga kaya siya? Bakit hindi pa rin siya nagpaparamdam?
Remedios: Ang sabi ni Alexandra, nakita daw ni Cassandra si Brenda na sumakay sa isang kotse.
Freda: Eh sino daw ho ang kasama?
Remedios: Hindi nila alam. Basta isang lalake daw ang nagmamaneho nun.
MALALIM NAMAN ANG INIISIP NI LITO.
NAALALA NIYA NUNG GABING KUMAIN SILA NI ELIZABETH SA ISANG RESTAURANT. MAY ISANG LALAKE ANG NAGBANGGIT NG PANGALAN NI BRENDA.Freda: Kuya Lito, kanina ka pa tahimik diyan. Ano bang iniisip mo?
Lito: (Umiling) Wa-Wala naman. Nag aalala lang din kasi ako kay Brenda eh.
Remedios: Ipagdasal nalang natin na kung nasaan man si Brenda ngayon eh sana maayos ang kanyang kalagayan.
NAG SIGN OF THE CROSS SINA REMEDIOS, BRENDA AT LITO AT IPINAGDASAL SI BRENDA.
••••••••••••••••••••••••••••••
*SA KWARTONG PINAGKUKULUNGAN NI BRENDA*TAPOS NA SIYANG MALIGO. NAKABIHIS NA RIN SIYA.
MAYA MAYA AY BINUKSAN NI LUCIO ANG PINTO.Lucio: Ano, handa ka na bang humarap sa taong gusto kang makita at makausap?
Brenda: Sino ba ang taong sinasabi mo?
Lucio: Huwag kang mag alala dahil masasagot na ang lahat ng mga katanungan mo!
ILANG SANDALI PA AY MAY DUMATING NA ISANG BABAE—NAKASUOT ITO NG SUNGLASSES AT MAY MAHABANG WIG— SI MINERVA.
Minerva: (Nagtanggal ng sunglasses) Kamusta ka na, Brenda?
NABIGLA SI BRENDA NANG MAKITA SI MINERVA.
Brenda: M-Minerva???
Minerva: (Nag evil smile) Oh bakit gulat na gulat ka naman? Para namang nakakita ka ng multo diyan.
Brenda: Anong ginagawa mo dito?
Minerva: Well obviously, ako ang nagpa kidnap sa'yo!
Brenda: Paano nangyari 'yun? Hindi ba't wala ka sa sarili mong pag iisip?
Minerva: Hahahahaha!!!! Mga tanga talaga kayo! Akala mo ba basta basta niyo na lang akong matatalo? Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Hinayaan ko munang maging kampante kayo at isiping hindi na ako magiging banta sa mga buhay ninyo! Hahahahahaha!!!!
Brenda: Hindi! Hindi pwede ito! Hindi!!!!
Minerva: Ano Brenda, handa ka na bang mamatay? Hahahahaha!!!!
Brenda: Hayop ka talaga Minerva! Ano pa bang binabalak mo?
Minerva: Isa lang naman ang gusto kong mangyari eh, 'yun ay ang mamatay kayong lahat! Mula sa hayop na si Manolo hanggang sa mga anak mong sina Cassandra at Alexandra!
Brenda: Hayop ka! Huwag mong sasaktan ang mga anak ko kung hindi ako mismo ang papatay sa'yo!!!!
Minerva: Hmmmm... Matapang ka ah? Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!