Chapter 240 | Don't Lose Hope

2 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 240 | Don't Lose Hope

*VICTORINA MANSION*

UMALIS SI ELIZABETH AT NAGPUNTA SA BUROL NI LITO.

SAMANTALA KAUSAP NAMAN NI CASSANDRA SI MINERVA SA GARDEN.
NAKAMASID NAMAN SA KANILA SI ALEXANDRA.

Cassandra: Tita Minerva, I'm happy that you're fine now.

Minerva: (Ngumiti) Salamat dahil hindi niyo ako pinabayaan sa kabila ng mga nagawa kong kasalanan sa inyo noon.

Cassandra: Tita, napatawad ka na po namin and I know na napagbayaran mo na po ang mga naging kasalanan mo. Tsaka alam din po namin na ginamit ka lang ng Enrico na 'yun dahil siya talaga ang mastermind ng lahat.

Minerva: Pero nagpagamit pa din ako sa kanya at nakagawa ako ng mga masasamang bagay dahil sa mga kinikimkim ko galit noon kay Papa.

Cassandra: Tita, tapos na po 'yun. Ang mahalaga po eh nagsisisi na kayo at nagbago na kayo.

Minerva: Kahit magsisi pa ako hindi na ako mapapatawad ng Lolo at Daddy niyo.

Cassandra: Tita, the fact na pumayag po si Lolo na tumira ka ulit dito means pinatawad ka na po niya.

Minerva: Dahil alam niyang may sakit ako sa pag iisip noon pero ngayon na bumalik na ako sa katinuan ko sigurado akong hindi na siya magtitiwala pa sa akin at papaalisin na rin nila ako sa mansion.

Cassandra: Don't worry po Tita, ako po ang bahala. Kakausapin ko po si Lolo at si Daddy pero hindi pa po ngayon ang tamang oras dahil nasa ospital po si Lolo at nakakulong naman po si Daddy.

Minerva: Ano? Bakit, anong nangyari?

Cassandra: Mahabang istorya po eh.

Minerva: Siya nga pala, 'yung babaeng nang away sa'yo kanina bakit nagpapakilala siyang anak ko?

Cassandra: (Napabuntong hininga) Siya po si Elizabeth and yes anak niyo po siya.

Minerva: Ano?

Cassandra: Ipapaliwanag ko nalang po sa inyo lahat pero Tita hindi ko siya pinagkakatiwalaan dahil marami po akong na discover about her kaya please po kahit anong sabihin niya sa inyo huwag po kayong maniniwala okay?

Minerva: (Tumango) Oo naman Hija, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil alam kong ikaw lang din ang kakampi ko.

NIYAKAP NI MINERVA SI CASSANDRA.
•••••••••••••••••••••••••••••••
*CHAPEL*

KAUSAP NI ELIZABETH SA CELLPHONE SI REGINA.

Elizabeth: Anong nangyari kay Mommy, bakit ganun ang inasta niya kanina?

Regina: (Kabilang linya) Hindi niyo pa po ba napag usapan 'yun? Akala ko po alam niyo na ang plano niya.

Elizabeth: Ano bang plano niya?

Regina: Gusto po niyang malaman na ng lahat na nasa katinuan na siya kasi gusto po niyang makabalik sa kumpanya ni Don Manolo. Kaya po siguro nagpanggap siya na hindi niya kayo kilala eh dahil gusto niyang makumbinsi sina Ma'am Cassandra na nawala talaga siya sa katinuan niya noon at walang matandaan sa mga nangyari.

Elizabeth: Ibang klase talagang mag isip ang Mommy kong 'yan. Anyway, tatawag nalang ako ulit mamaya busy lang ako ngayon sa burol ni Tatay Lito.

*END CALL*

LUMAPIT KAY ELIZABETH SI REMEDIOS.

Remedios: Hija, dumating na si Father Celso. Maya maya lang eh magsisimula na ang padasal para sa Tatay Lito mo.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon