Chapter 233 | Poison

3 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 233 | Poison

*SA OSPITAL*

KAUSAP NINA ALEXANDRA AT CASSANDRA ANG ISA SA MGA DOKTOR NA NAG OPERA KAY BRENDA.

Alexandra: Doc, gawin niyo po ang lahat para magising ang Mommy namin.

Cassandra: Please Doc, huwag niyo po siyang pababayaan.

Doktor: We're doing our best. Successful naman ang operation namin sa kanya at natanggal na namin ang mga bala sa katawan niya pero nadaplisan ang ulo niya kaya nakaapekto ito sa kanyang utak dahilan para ma comatose siya pero may mga cases naman kami na nagigising din agad ang pasyente. Let's just hope for the best. Maiwan ko na muna kayo.

UMALIS NA ANG DOKTOR.
NAGKATINGINAN SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

Alexandra: Cassandra, hindi ko kakayanin kapag nawala si Mommy. Natatakot ako.

Cassandra: Hindi siya mawawala sa atin. Sigurado akong magigising siya.

MAYA MAYA AY DUMATING SINA LUKE AT HANSON.

Luke: Alexandra.

Hanson: Cass, kamusta ang Mommy niyo?

Cassandra: She's still in coma pero we're positive na magigising din siya sooner or later.

Luke: Ipagdarasal namin 'yan.
••••••••••••••••••••••••••••••••••
NAKABALIK NA SI ELIZABETH SA MANSION.
KAUSAP NIYA SI MINERVA.

Minerva: Sinigurado mo bang hindi makakatakas si Lito sa rest house?

Elizabeth: Of course Mommy. Pinapabantayan ko siyang mabuti kina Lucio.

Minerva: Hindi siya pwedeng makatakas dahil masisira ang mga plano natin.

Elizabeth: Paano si Brenda? Sigurado ako na ano mang oras pwede siyang magising at isumbong tayo!

Minerva: Kaya nga mamadaliin na natin ang mga plano natin! Bago pa mangyari 'yun kailangan na nating iligpit si Manolo!

Elizabeth: Paano?

Minerva: (Nag iisip) Patayin na natin si Manolo!

Elizabeth: What? Paano natin gagawin 'yun?

Minerva: Hmmm...
••••••••••••••••••••••••••••••
SA OSPITAL.

KAUSAP NI TONY SI DANILO.

Tony: Ang sabi ng doktor pwede ka nang ma-discharge mamaya.

Danilo: Salamat po Sir Tony sa pagdalaw sa akin dito. Mabuti na lang talaga at hindi ako tinuluyan ng dalawang lalakeng humarang sa amin ni Don Manolo eh at mabuti na lang din po at ayos lang si Don Manolo.

Tony: Wala 'yun. Ang mahalaga eh na protektahan mo si Don Manolo kaya hindi siya napahamak.

Danilo: Tungkulin ko po 'yun bilang driver at body guard niya. Salamat po ulit sa pagdalaw sa akin dito.

Tony: Walang ano man, hinatid ko din kasi sina Ma'am Cassandra at Alexandra dito sa ospital eh para madalaw nila si Ma'am Brenda.

Danilo: Po? Bakit, Ano pong nangyari kay Ma'am Brenda? Bumalik na ba siya?

IKINWENTO NI TONY ANG MGA NANGYARI.

Danilo: Kawawa naman pala si Sir Manuel, hindi kaya may nag set up sa kanya? Pinapunta siya nina Denis at Ma'am Brenda sa dating pabrika ng mga Victorina tapos nadatnan niya ang dalawa na wala nang malay tapos may humampas sa ulo niya kaya nawalan din siya ng malay at pag gising niya nandun na ang mga pulis. Hindi ba parang set up ang nangyari?

NAPAISIP SI TONY.

Tony: 'Yun din ang iniisip ko Danilo eh. Tsaka parang sunod-sunod yata ang mga nangyari. Nung una tinambangan kayo ni Don Manolo ng dalawang lalake, tapos ngayon ito naman.

Danilo: May kaaway pa ba ang mga Victorina?

Tony: Kung totoo ang sinasabi ng mga lalakeng tumambang sa inyo na dati silang empleyado ng kumpanya nina Don Manolo, posibleng hindi yun konektado sa nangyari kay Sir Manuel pero may duda pa din ako eh.

Danilo: Hindi na talaga natapos ang problema ng pamilya nila. Sana naman mahuli nila ang tunay na may kasalanan sa mga nangyari at mahuli din ang mga lalakeng tumambang sa amin ni Don Manolo nung isang gabi.

Tony: Sana nga.

MAYA MAYA AY TUMUNOG ANG BAGONG CELLPHONE NI TONY.
MAY NOTIFICATION ITONG NATANGGAP.

NOTIFICATION:

*YOUR PHONE HAS BEEN FOUND! CLICK THE LINK TO SEE ITS LOCATION*

Tony: Sa wakas, mate-trace ko na kung sinong nagnakaw ng cellphone ko!

Danilo: Good news 'yan Sir Tony!
•••••••••••••••••••••••••••••••••
KAUSAP NI DON MANOLO ANG ABOGADO NI MANUEL.

Don Manolo: What do you mean wala kang magagawa para mailabas ang anak ko sa kulungan?

Atty. Madrid: Matibay po ang mga ebidensiya laban kay Sir Manuel. Siya pa ang nadatnan ng mga pulis sa crime scene, nag positive din po siya sa paraffin test, nagtugma po ang hawak niyang baril sa mga balang nakuha sa katawan nina Denis at Ma'am Brenda at iniisip din po ng mga pulis na may motibo siya para gawin 'yun kaya siya po ang primary suspect.

Don Manolo: Na set up lang si Manuel! Hindi niya magagawang pumatay ng tao!

Atty. Madrid: Then we have to prove that Don Manolo. Kung may witness po na lalantad at sasabihing nakita niya ang buong pangyayari or kung may CCTV po tayong makukuha para mapatunayan na hindi si Sir Manuel ang gumawa nun, makakatulong po ito sa kanyang kaso.

Don Manolo: At paano kung wala?

Atty. Madrid: Ang tanging pag asa nalang po natin ay kapag nagising na si Ma'am Brenda at masabi niya ang totoong nangyari.

NAPABUNTONG HININGA SI DON MANOLO.
•••••••••••••••••••••••••••••
SA REST HOUSE NI ELIZABETH.

NASA ISANG KWARTO SI LITO AT KINAKALAMPAG ANG PINTUAN.

Lito: PALABASIN NIYO AKO DITO! ELIZABETH ANAK, HUWAG MONG GAWIN SA AKIN ITO! HUWAG KANG TUMULAD SA MOMMY MO! MAY PAGKAKATAON KA PANG AYUSIN ANG LAHAT!

SUMAGOT NAMAN SI LUCIO MULA SA LABAS.

Lucio: Wala dito si Ma'am Elizabeth kaya hindi ka rin niya maririnig!

Lito: Pakawalan mo ako dito! Kailangan kong makausap ang anak ko!

Lucio: Mahigpit ka niyang ibinilin sa amin at ang sabi niya hindi ka pwedeng lumabas diyan hangga't hindi nila natatapos ang mga plano nila laban kay Don Manolo Victorina!

NAPAISIP SI LITO.

Lito: Hindi pwede, kailangang makagawa ako ng paraan para makatakas dito! Hindi ko hahayaang sirain ni Elizabeth ang buhay niya!
••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

KAUSAP NI ELIZABETH SI NURSE REGINA.
MAY IBINIGAY NA VIAL SI REGINA KAY ELIZABETH.

Nurse Regina: Ito na po 'yung gamot na pwede niyong ihalo sa inumin ni Don Manolo. Ang side effects po niyan kapag na overdose siya ay pwede siyang mawala sa sarili niya o magkaroon ng confusion tapos unti unti pabibilisin nito ang heart beat ng kung sino man ang makakainom nito dahilan para atakihin ito sa puso.

Elizabeth: (Napaisip) Gaano katagal bago umepekto ito?

Nurse Regina: 3-5 days kapag araw araw po siyang nakakainom nito.

Elizabeth: Sigurado ka bang effective ito?

Nurse Regina: Opo Ma'am mabisa po 'yan.

Elizabeth: Sige, salamat.

ITUTULOY...

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon