You're Mine
Chapter 236 | Escape PlanGABI SA REST HOUSE NI ELIZABETH.
BUMALIK DOON SINA TONY AT BRUCE AT NAGMANMAN MULA SA DI KALAYUAN.SA KWARTONG PINAGKUKULUNGAN NI LITO. NAKAISIP NA SIYA NG PLANO KUNG PAANO SIYA MAKAKATAKAS.
SUMIGAW SIYA AT UMARTENG NAMIMILIPIT SA SAKIT NG TIYAN.Lito: AHHHHH!!! TULUNGAN NIYO AKO, SOBRANG SAKIT NG TIYAN KO! KAILANGAN KONG MADALA SA OSPITAL! KAPAG MAY NANGYARI SA AKIN DITO LAGOT KAYO SA ANAK KONG SI ELIZABETH! DALHIN NIYO AKO SA OSPITAL!!!
NARIRINIG NAMAN SIYA NINA WALDO AT PIDO NA NAGLALARO NG BARAHA SA LABAS.
Waldo: Pido, tignan mo nga si Lito kung anong sinisigaw nun.
Pido: Hayaan mo siya. Magsasawa din yan kakasigaw.
Waldo: Malilintikan tayo kay Boss Lucio at Ma'am Elizabeth kapag pinabayaan natin yun. Puntahan mo na.
NAPAKAMOT SA ULO SI PIDO AT PINUNTAHAN SI LITO SA KWARTO.
NAKITA NIYA ITONG NAKAHANDUSAY SA SAHIG.Pido: Anong nangyari sa'yo?
NILAPITAN NIYA SI LITO.
AGAD NA TUMAYO SI LITO AT SINAPAK SI PIDO SA MUKHA AT INUNTOG ANG ULO NIYO SA PADER KAYA NAWALAN NG MALAY.
NAGMADALI NAMAN SI LITO NA LUMABAS NG KWARTO AT TUMAKBO.
••••••••••••••••••••••••••
SAMANTALA NASA OSPITAL NA SI LUCIO UPANG ALAMIN ANG LAGAY NI BRENDA.
NARINIG NIYA ANG MGA TAUHAN NI TONY NA NAG UUSAP.Atong: Nasaan daw ba sina Sir Tony at Bruce?
Kiel: Binalikan nila 'yung bahay kung saan nila na locate 'yung nawawalang phone ni Sir Tony. Kutob kasi nila mga sindikato ang mga 'yun kaya minamanmanan nila.
NAPAISIP SI LUCIO. AGAD NIYANG TINAWAGAN SI ELIZABETH.
Lucio: Ma'am, narinig kong nag uusap ang mga tauhan ni Tony dito sa ospital, na locate daw po ni Tony ang nawawala niyang cellphone at ang kutob ko nandun siya sa rest house ninyo ngayon.
Elizabeth: (Kabilang linya) Ano? Hindi pwedeng malaman ni Tony ang lahat! Gumawa ka ng paraan!
Lucio: Huwag po kayong mag alal, Aabisuhan ko nalang po sina Waldo.
••••••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*NAGPUNTA SI ELIZABETH SA KWARTO NI MINERVA AT SINABI NITO DITO ANG IBINALITA SA KANYA NI LUCIO.
Minerva: Tatanga tanga talaga 'yang mga tauhan mo! Paano kapag nalaman ni Tony na bihag nila si Lito?
Elizabeth: Anong gagawin natin Mommy?
Minerva: Tawagan mo ang mga tauhan mo at ipapatay mo na sina Tony! May atraso din naman sa akin ang hayop na lalakeng 'yun eh kaya panahon na para mamatay ang pakialamerong Tony na 'yun!
••••••••••••••••••••••••••••
*SA REST HOUSE NI ELIZABETH*NAKITA NI MARTIN NA NAKABUKAS ANG PINTO NG KWARTONG PINAGKUKULUNGAN NI LITO KAYA AGAD SIYANG PUMASOK DOO. AT NAKITA NIYA SI PIDO NA WALANG MALAY. GINISING NIYA ITO.
Martin: Pido! Gising!
NAGISING SI PIDO.
Pido: (Napabalikwas) Si Lito nakatakas siya!
Martin: Malilintikan tayo niyan eh! Hanapin mo!
AGAD UMALIS SI PIDO.
TINAWAGAN NI MARTIN ANG NUMBER NI NURSE REGINA UPANG MAKAUSAP SI MINERVA.Minerva: (Kabilang linya) Anong balita diyan?
Martin: Ma'am Minerva nakatakas po si Lito!
Minerva: Ano? Tatanga tanga talaga kayo!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!