Chapter 229 | You Need Know Something

1 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 229 | You Need To Know Something

*VICTORINA MANSION*

KAUSAP NI MANUEL SI ELIZABETH.

Manuel: Maraming salamat sa pagdala mo kay Papa sa ospital. Kung hindi ka dumating agad baka kung napaano na si Papa.

Elizabeth: Wala po 'yun Tito Manuel. Lolo ko din po siya kaya dapat lang po na gawin ko 'yun. Kahit naman po siguro sina Cassandra at Alexandra ang nasa sitwasyon ko eh ganun din po ang gagawin nila. Tutulungan din po nila si Lolo.

NAG RING ANG PHONE NI MANUEL—UNKNOWN NUMBER.

Manuel: Sino kaya ito?

Elizabeth: Bakit hindi niyo po sagutin?

SINAGOT NI MANUEL.

Manuel: Hello, sino ito?

Denis: (Kabilang linya) Manuel, magkita tayo, may kailangan kang malaman!

Manuel: (Natigilan) Sino ito at anong kailangan kong malaman?

IBINIGAY NI DENIS KAY BRENDA ANG CELLPHONE.

Brenda: Manuel...

Manuel: (Natigilan) Brenda?

NAPATINGIN SI ELIZABETH AT TILA NAGTATAKA.

Brenda: Manuel makinig ka kay Denis, may kailangan kang malaman! Ipapaliwanag namin ang lahat!

Manuel: Ano pang kailangan kong malaman? Niloko niyo ako! Mga taksil kayo!!!! Para lang malaman ninyo, inihahanda ko na ang kasong isasampa ko laban sa inyo ng lalake mo!

KINUHA NI DENIS ANG CELLPHONE.

Denis: Manuel makinig ka! Kung talagang mahal mo ang asawa mo makipagkita ka sa amin at sasabihin namin sa'yo ng personal ang lahat! Ite-text ko na lang ang lugar at oras kung saan tayo magkikita! Wala na akong panahon para ipaliwanag ang lahat ngayon kaya makipagkita ka sa amin!

*END CALL*

Manuel: Hello? Hello!

Elizabeth: Tito Manuel, sino po 'yun? Si Tita Brenda po ba?

Manuel: Si Denis at Brenda! Nakikipagkita sila sa akin dahil may kailangan daw akong malaman.

Elizabeth: (Nabigla) What??!! Tito baka saktan ka ng Denis na 'yun! Huwag kang maniniwala sa kanya!

Manuel: Kahit ano pang sabihin nila, hindi ako maniniwala sa kanila! Mga taksil sila!

Elizabeth: S-Saan daw po nila kayo kikitain?

Manuel: Hindi ko pa alam, ite-text daw ni Denis ang oras at lugar.

NAPAISIP SI ELIZABETH.

•••••••••••••••••••••••••••
*TAN RESIDENCE*

NANDOON SINA VICKY, PHOEBE, YESHA, LUKE, HANSON AT ERNEST.
KAKARATING LANG NINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

Cassandra: Guys, ano ba 'yung sasabihin niyo sa sakin?

Hanson: Cass, nakahanap na kami ng proof para mapatunayan na magkakilala talaga sina Herra at Elizabeth.

NAGKATINGINAN SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

IPINAKITA NI YESHA ANG MGA PICTURES NINA HERRA AT ELIZABETH SA KANYANG LAPTOP.

Yesha: Here. Mga old uploads 'yan ni Herra sa inactive social media account niya. Kasama niya diyan si Elizabeth.

Alexandra: So magkakilala talaga sila noon pa?

Cassandra: Sinungaling talaga ang Elizabeth na 'yan!

Luke: Ngayon hindi na sila pwedeng mag deny dahil may basehan na ang lahat ng narinig nina Vicky at Ernest.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon