Chapter 242 | Awake

1 1 0
                                    

You're Mine
Chapter 242 | Awake

KAUSAP NI CASSANDRA SI MINERVA.

Cassandra: I'm sorry po Tita Minerva kung pumayag ako na umalis kayo sa mansion. Pansamantala lang naman po ito eh.

Minerva: Don't worry Hija, I understand pero kailangan ba talaga na sa condo unit ng Elizabeth na 'yun ako tumira?

Cassandra: We have no choice po Tita.

Minerva: Akala ko ba eh wala kang tiwala sa kanya? Bakit ka pumayag na tulungan niya ako?

Cassandra: Magkunwari nalang po tayo na okay tayo sa kanya. May plano po ako, maghahanap po ako ng evidence na pwedeng makasira sa kanya para mawala na rin po siya sa mansion.

Minerva: Sige Hija, asahan mo ang tulong at suporta ko.
••••••••••••••••••••••••••••••
KINABUKASAN AY AGAD LUMIPAT SI MINERVA SA CONDO UNIT NI ELIZABETH.
PINUNTAHAN SIYA DOON NI ELIZABETH.

Minerva: Uto-uto talaga ang Cassandra na 'yan. Manang mana siya sa mga magulang niya. Pero mag iingat ka pa rin dahil ang sabi niya eh maghahanap daw siya ng ebidensya na makakasira sa'yo.

Elizabeth: Hmmm... Kung makakahanap siya. As if namang natatakot ako sa kanya. Kayang kaya ko naman siyang unahing patayin eh.

Minerva: Pero hindi mo pwedeng gawin 'yan dahil siya ang isa ko pang alas.

Elizabeth: Kaya pala pinagtanggol mo siya sa akin last time.

Minerva: Malamang, hindi niya pwedeng isipin na kakampi mo ako. Mabuti na 'yung nag iingat tayo.

Elizabeth: Fine. So what's our next plan ba?

Minerva: Patayin mo na si Manolo. Kung kinakailangang itutok mo na sa kanya ang lason na binigay sa'yo ni Regina, gawin mo!

Elizabeth: What if ma-detect ng mga doctor ang cause of death niya? Malalaman nila na nilason siya at baka lalong masira ang mga plano natin.

Minerva: Bayaran mo ang doktor. Lahat ng tao may presyo! Besides, na stroke naman na ang matandang 'yun kaya hindi na siguro sila magtataka kung mamatay na siya agad.

Elizabeth: Pero sigurado ka bang kapag namatay si Manolo eh may makukuha akong kayamanan?

Minerva: Apo ka niya at ikaw ang pinagkakatiwalaan niya sa opisina. Sigurado akong kasama ka na sa last will and testament niya at madali na lang nating makukuha ang mana ng kambal lalo pa at may tiwala sa akin si Cassandra. Ang mahalaga, mawala na muna ang matandang 'yun.

Elizabeth: Eh ikaw paano ka makakabalik sa kumpanya?

Minerva: Well, hindi ba't marami na ang nagbebenta ng shares nila? Bilhin mo ang lahat ng 'yun at ipangalan mo sa akin at pagkatapos nun kailangan mo lang kumbinsihin ang board na capable na ako na mag manage ulit ng kumpanya. Mag set ka ng meeting para sa akin at ako na ang bahalang kumausap sa kanila.

NAPAISIP SI ELIZABETH.

Minerva: Nasaan nga pala si Regina? Sinigurado mo bang mananahimik siya?

Elizabeth: Malaking pera ang ibinigay ko sa kanya kaya sigurado akong mananahimik 'yun. Sinabi ko sa kanya na magpaka layu-layo na siya. Takot lang nun na madamay siya.

Minerva: Eh si Ella?

Elizabeth: Nakauwi na ng probinsya nila kaya wala na rin tayong problema.

Minerva: Siguraduhin mo lang.
••••••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

LIHIM NA KINAUSAP NI TONY SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

Alexandra: Ano ba 'yung importanteng sasabihin mo sa amin Kuya Tony at kailangan mo pa kaming puntahan dito sa school? Bakit hindi nalang sa bahay?

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon