You're Mine
Chapter 206 | 10 Million PesosDAHIL SA NANGYARING PANGGUGULO NI CASSANDRA SA FASHION SHOW EVENT NG VICTORINA MODA AY MULING PINAG USAPAN SA SOCIAL MEDIA ANG VICTORINA CORPORATION.
NAGPATAWAG NG MEETING SI DON MANOLO UPANG AYUSIN ANG ISSUE AT NAG APOLOGIZE SILA SA MGA NANGYARI.
SAMANTALA...
ILANG ARAW NANG NAGKUKULONG SI CASSANDRA SA KANYANG KWARTO.
PINAPADALHAN LANG SIYA NI BRENDA NG PAGKAIN KAY ELLA. MAY MGA BODY GUARDS DING NAKABANTAY KAY CASSANDRA SA LABAS NG KWARTO NITO AT SINIGURADO NI DON MANOLO NA WALANG KAHIT NA ANONG BAGAY O GAMOT SA KWARTO NI CASSANDRA ANG MAGAGAMIT NITO UPANG SAKTAN MULI ANG KANYANG SARILI.*VICTORINA MANSION*
MAGKAUSAP SINA BRENDA AT MANUEL.
Manuel: Sundin nalang natin ang Papa. Tiisin muna natin si Cassandra. Kailangan niyang matuto ng leksyon.
Brenda: Pero nag aalala ako sa kanya, Manuel.
Manuel: Ako din naman pero kailangan nating gawin ito para sa kanya.
•••••••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*CAFETERIA
MAGKAUSAP SINA ALEXANDRA AT LUKE.
Luke: Ilang araw na ding absent si Cassandra, anong plano niya?
Alexandra: Ewan ko sa kanya Luke. Nag request na nga lang si Daddy ng online class para sa kanya eh pero ang sabi ng mga professors namin eh hindi naman daw ginagawa ni Cassandra ang modules niya. Eh si Hanson, kamusta daw siya? Totoo bang sila na ni Herra?
Luke: Hindi ko din alam eh. Ayaw namang makipag usap sa akin ni Hanson. Naka block ako sa mga social media accounts niya and kahit sa phone hindi ko na siya makontak. Ang sabi ni Mommy at Ate Isha eh hayaan ko daw muna siya hanggang sa maka move on siya sa mga nangyari.
Hindi din ako sinasagot ni Herra kaya hindi ko ma confirm sa kanya kung totoong sila na nga ni Hanson.Alexandra: Hay, masyadong malaki ang ginawang gulo ni Cassandra sa ating lahat. Nasira ang friendship niyo ni Hanson at nasira din ang samahan naming dalawa.
Luke: Don't worry Alex dahil lilipas din ito. I'm sure babalik din ang lahat sa dati.
Alexandra: Ewan ko Luke, hindi na yata talaga magbabago si Cassandra eh. Parang mas lumala pa nga siya ngayon.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
UMALIS SINA DON MANOLO AT MANUEL.
NAIWAN SI BRENDA SA MANSION.
PUPUNTAHAN SANA NIYA SI CASSANDRA SA KWARTO NITO PERO TINAWAG SIYA NI ELIZABETH.Elizabeth: Tita Brenda.
Brenda: Elizabeth.
Elizabeth: Pupuntahan niyo po ba si Cassandra?
Brenda: Oo sana eh.
Elizabeth: Tulog po kasi siya. Kakadaan ko lang din po sa kanya kani-kanina lang.
Brenda: Ganun ba? Nag aalala lang kasi ako sa kanya eh kaya gusto ko sana siyang makausap.
Elizabeth: Don't worry po Tita, magiging okay din po ang lahat. By the way po Tita may favor po sana ako sa inyo eh.
Brenda: Ano 'yun?
ANG SUMUNOD NA NANGYARI AY MAGKAUSAP NA SINA ELIZABETH AT BRENDA SA GARDEN.
Brenda: 10 Million pesos?
Elizabeth: I know it's a huge amount of money po Tita pero promise babayaran ko din po kayo agad. Gusto ko lang po talagang tulungan si Tatay na magkaroon ng negosyo sa Baguio eh kaso kulang pa po 'yung naiipon kong pera pero promise Tita, babayaran kita.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!