Chapter 235 | Side Effect

4 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 235 | Side Effect

*KINABUKASAN*

SA REST HOUSE NI ELIZABETH.
KAUSAP NI LUCIO ANG MGA TAUHAN NILA.

Lucio: Mamayang gabi, pupunta ako sa ospital para subukang tapusin si Brenda. Kayo na muna ang bahala kay Lito.

Martin: Sige po Boss Lucio.

Banjo: Kami na po ang bahala.

Lucio: Nasaan sina Waldo at Pido?

Martin: Magyoyosi lang daw po sila sa labas.

*SA LABAS NG REST HOUSE*

HUMINTO ANG KOTSE NI TONY.
HAWAK NIYA ANG KANYANG PHONE. KASAMA NIYA ANG ISA NIYANG TAUHAN NA SI BRUCE.

Tony: Nandito na tayo.

Bruce: Sigurado ka Sir Tony?

Tony: Oo, dito tinuro ng maps ang location ng nawawala kong cellphone.

MAYA MAYA AY LUMABAS SINA PIDO AT WALDO.

Pido: Ayos itong cellphone na pinanakaw sa atin ni Ma'am Elizabeth ah. Magkano ko kaya pwedeng ibenta ito?

Waldo: Babaratin nalang yan kasi may lock oh. Halatang ninakaw hahaha.

Pido: Hahaha sayang pa rin ito. Pagkaka perahan pa din. Mukhang mamahalin naman eh.

Waldo: Hatian mo ako ah?

Pido: Oo ba.

NAKAMASID NAMAN SI TONY KINA WALDO AT PIDO.

Tony: Mukhang cellphone ko ang hawak ng isang 'yun ah.

Bruce: Subukan niyo kayang tawagan boss?

Tony: Hindi ko na ma kontak siguro tinanggal na nila ang simcard mabuti na lang nata-track ko pa din dahil binuksan nila.

Bruce: Tara na Sir, babain na natin sila.

Tony: Hindi, mag matyag lang tayo dito. May iba akong kutob eh. Parang hindi sila basta basta magnanakaw lang.

Bruce: Paano niyo po nasabi?

Tony: Tignan mo ang bahay, mukhang malaki. Palagay ko mga sindikato ang mga 'yan. Bumalik nalang tayo mamayang gabi.

Bruce: Sigurado po kayo Sir?

Tony: Oo. Mahirap kung ngayon ko sila kukumprontahin baka kung ano pang mangyari sa atin dito kaya dapat handa tayo. Tayo na.

Bruce: Sige po.

PINAANDAR NA NI BRUCE ANG SASAKYAN.
••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

PAALIS NA SI DON MANOLO PARA PUMASOK SA OPISINA. KAUSAP SIYA NINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

Cassandra: Lolo, don't worry po dadalawin po namin si Daddy mamaya bago kami pumasok sa school.

Alexandra: Dadaan din po kami sa ospital para kamustahin si Mommy.

Don Manolo: Sige mga apo. Tatawagan ko nalang din si Tony para masamahan niya kayo. Mauna na ako.

MAYA MAYA AY TILA NAKARAMDAM NG KIROT SA ULO SI DON MANOLO AT NATIGILAN SIYA.

Cassandra: Lolo, okay lang po ba kayo?

Alexandra: Ano pong problema?

Don Manolo: Wala mga apo medyo sumakit lang ang ulo ko siguro dahil sa stress.

Cassandra: Are you sure Lolo?

Alexandra: Huwag na po muna kayong pumasok sa opisina? Magpahinga na lang po muna kayo.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon